25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Cayetano pinuri ang pagtulak ng Senado para sa mataas na sahod, regular na trabaho para sa mga barangay health worker

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINATUWA ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang pagbibigay ng mas malaking suporta para sa mga barangay health worker (BHWs) pagkatapos i-sponsor ang Magna Carta para sa Barangay Health Worker sa plenaryo.

“As front liners of our primary healthcare system, our BHWs must be given sufficient incentives, benefits and most of all just compensation for all the hard work they have done for us,” wika ng senador tungkol sa panukalang batas.

Nitong September 24, 2024, nilagdaan ang committee report ng panukalang batas (Senate Bill No. 2838 sa ilalim ng Committee Report No. 332) ng 16 na senador at inirekomenda ito para sa pag-apruba ng Senate Committees on Health and Demography, Local Government, Ways and Means, at Finance.

Pinagsama nito ang ilang panukala, kabilang ang bersyon ni Cayetano (Senate Bill No. 68), na naglalayong i-upgrade sa pagiging mga empleyado ng gobyerno ang mga BHW mula sa pagiging boluntaryo lamang.

Inihain ni Cayetano ang kanyang panukala, na kilala bilang ‘Mahal Ko, Barangay Health Worker Ko Law,’ noong Hulyo 7, 2022. Binigyang diin nito ang mahalagang papel ng mga BHW noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Bilang punong may-akda, siya ang unang naghain ng panukalang batas na ito sa mga kasama niya sa committee report.

“During the Covid-19 pandemic, BHWs were notably at the forefront of response where they served as the bridgeway of communication between the health centers and constituents,” paliwanag ng senador sa explanatory note ng kanyang panukala.

Dahil sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap, hinangad ni Cayetano na mapabuti ang mga pamantayan sa pagtatrabaho ng mga BHW sa pamamagitan ng pagdagdag sa kanilang bilang sa bawat barangay o cluster, at pagbibigay ng mga insentibo at benepisyo. Ang lahat ng kanyang mga mungkahi ay isinama na ngayon sa pinagsama-samang panukala.

Ani Cayetano, kung napatupad ng City of Taguig ang pagbibigay ng incentives at benefits sa mga BHW, kaya rin itong gawin sa national level.

“We should start properly compensating, assisting, and building up the skills of our health workers, because they are our backbone for the efficient delivery of our overall health system,” he urged in his bill.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -