25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Tulfo natuwa sa pagkapasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers

- Advertisement -
- Advertisement -

LUBOS ang saya ni Committee on Migrant Workers Chairperson Senator Raffy Tulfo sa pagpasa sa batas ng Magna Carta of Filipino Seafarers na magbibigay ng sapat na proteksyon sa karapatan ng bawat marinong Pilipino.

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 12021 sa Ceremonial Hall sa Malacañang Palace ngayong araw, September 23.

Sinabi ni Tulfo, na principal sponsor at isa sa mga main authors ng “Magna Carta of Filipino Seafarers” bill sa Senado na ang pagsasabatas nito ay “fitting tribute to all our seafarers” habang ipinagdiriwang natin ang 25th Maritime Week at 29th National Seafarer’s Day ng Setyembre 29, 2024.

Ang tema para sa taong ito ay: ” Marinong Pilipino, Ligtas na Paglalayag,” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 828 series of 1996 sa ilalim ni Pres. Fidel V. Ramos.

Nagpasalamat ang Senador mula sa Isabela at Davao kay PBBM sa pagpapakita ng kanyang malasakit sa mga marino sa paglagda ng Magna Carta of Filipino Seafarers bill bilang batas.

Gayundin sa kanyang mga kasamahan sa kanilang suporta para sa panukalang ito, lalo na kay Senate President Chiz Escudero na tumulong sa pagtulak na maisabatas ito.

Bukod dito, pinasalamatan din ni Tulfo ang mga marino at ang kanilang unyon, kabilang ang Associated Marine Officers’ at Seamen’s Union of the Philippines, sa kanilang kontribusyon.

Umaasa si Tulfo na maipatutupad nang maayos ang bagong batas na ito upang matiyak na matatanggap ng mga marino ang suporta at proteksyon na matagal na nilang ipinaglalaban.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -