NAGKAKAHALAGA ng P44,704,383 ang tatlong farm-to-market roads na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Coron, Palawan ngayong araw, Setyembre 19, 2024.
Kasabay ng pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA), ipinagkaloob din ni Pangulong Marcos ang mga proyektong farm-to-market road sa Estrella Del Norte Multi-Purpose Cooperative ng Taytay Palawan, Caramay Farmers and ARBs Association Incorporated ng Roxas, Palawan at sa Pamahalaang Lokal ng Coron.
Sinabi rin ng Presidente na maraming oras at gastos ang nasasayang sa malayong paglalakbay upang maihatid ng mga magsasaka ang kanilang produkto sa pamilihan kung kaya sa pamamagitan ng mga bagong kalsada ay mabilis na maihahatid ang kanilang mga produkto at hindi na mangangamba sa posibleng pagkasira ng mga ito.Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para sa mas maunlad at maaliwalas na kinabukasan ng mga magsasaka sa bansa. (VND/PIA MIMAROPA–Occidental Mindoro)