25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Katapatan, itinataguyod ng isang jeepney driver sa Baguio City

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa kasabihan, ang katapatan ay ang pinakamahusay na patakaran. Ang katapatan ay isa sa mga positibong katangian na marapat lamang ipalaganap.

Alam n’yo ba? Dito sa lungsod ng Baguio, isang jeepney driver ang nagtataguyod ng katapatan gamit ang kanyang dyip na kilala sa tawag na ‘Pinky’ na may rotang Navy Base-Baguio.

Ikinwento ni Eddie Caoile ang kanyang sistema sa pagtataguyod ng katapatan

Ayon kay Eddie Caoile, itinataguyod niya ang pagiging tapat sa pamamagitan ng isang sistema sa kanyang dyip — ang mga pasahero mismo ang naglalagay ng kanilang bayad sa isang honesty fare box at nagsusukli sa kanilang sarili. Aniya, ang ideyang ito ay para sanayin ang mga pasaherong maging tapat. Kahit hindi kontrolado ni Caoile ang pagbayad ng pamasahe ay hindi naman daw siya nalulugi, bagkus masaya pa ito sa kaniyang ginagawa—ang makatulong sa kapwa.

Libre rin ang pamasahe para sa mga pasaherong may kapansanan. Bukod dito, ang dyip ay nag-aalok pa ng mga makakain tulad ng kape, burger, candies, at iba pa kung saan, ang presyo ay naaayon din sa orihinal na presyo ng mga ito sa pamilihan.

May nakapaskil ding mga paalala sa loob ng dyip kung saan, nakalagay ang contact details ni Caoile para sa mga komento at reaksyon.

Ang natatanging istratehiyang ito ni Caoile ay umaani ng positibong reaksyon mula sa mga  pasahero.

Laking pasasalamat naman ni Caoile sa kanyang mga pasahero dahil sa kanilang pagiging tapat.

“Sa mga minamahal kong pasahero, salamat sa [pagiging] honest. Honesty is the best. Enjoy [the] ride at Pinky,” ani Caoile.

Pinky Jeep ng Baguio City

Pinatunayan ni Caoile na ang pagtulong sa kapwa ay may iba’t ibang mukha. Hindi lamang sa materyal na bagay nakikita kundi maaari ring sa pagbabahagi ng magandang katangian, isa na riyan ang pagiging tapat. (JDP/DEG with Fatima Gilledo – PIA CAR, PHINMA UPang Intern)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -