PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dedikasyon ng kanyang administrasyon sa tapat at makabagong pamamahala sa pamamagitan ng Ceremonial Endorsement ng Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024-2028.
Sa pamamagitan ng PFM Reforms Roadmap 2024-2028, na iprinisenta kahapon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary and Public Financial Management (PFM) Committee Chairperson Amenah Pagdanganan kay Pangulong Bongbong Marcos, masisiguro ang mas mahusay at makabagong pamamahala ng pambansang pondo.
Ayon kay PBBM, mahalaga ang roadmap upang matiyak na ang pondo ng pamahalaan ay magagamit para sa mga proyektong magpapabuti sa serbisyo para sa mga Pilipino, tulad ng mas mabilis na disaster relief at mas maayos na healthcare services. Kasama sa mga pangunahing prayoridad ng PFM Reform Roadmap ang pagsasaayos ng planning at budgeting sa lahat ng antas ng pamahalaan at ang pagpapadali ng mga proseso sa pamamagitan ng digitalisasyon.