25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Cayetano sa transport workers: Palaguin ang negosyo gamit ang PTK program

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga miyembro ng AirTODA Transport Service Cooperative (ATSC) sa Puerto Princesa, Palawan na gamitin ang Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) Program para sa pag-unlad ng negosyo at pagkakaroon ng partnership opportunities.

Sa kanyang pagbisita nitong  Sabado, September 7, 2024, binigyang-diin ni Cayetano ang potensyal ng PTK program para sa pagpapasigla ng ekonomiya sa lokal na sektor ng transportasyon.

“Tinitingnan ko lang ano ang pwede nating itanim. I-explore natin kung ano ang kakayanin,” sabi niya.

“Kailangan mayroon tayong short term at long term solution. Walang mawawala sa inyo kung kayo ay mangangarap,” dagdag niya.

Sa ilalim ng PTK program, nabibigyan ng cash grants ang mga asosasyon o kooperatiba, sa pamamagitan ng mababang interes na pautang para sa kanilang mga miyembro. Layunin ng programa na mapabuti ang buhay ng mga nasa micro at small enterprises.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Cayetano ang mga miyembro ng kooperatiba na tingnan ang PTK grants hindi lamang bilang agarang tulong pinansyal kundi bilang hakbang tungo sa mas malawak na pag-unlad ng negosyo.

“Napansin ninyo ‘PTK’, ‘pitik’? Ganon rin po sa ating programa. Maliit lang ang negosyo niyo ngayon, pero kung walang tigil na kakapitik yan, lalaki din po ang puhunan, lalaki rin po ang negosyo niyo,” wika niya.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro, binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng maayos na pagpapatupad at responsableng pamamahala para sa tagumpay ng programa.

Inirekomenda rin niya ang pagtingin sa mga alternatibo, tulad ng mga electric van para sa mga turista sa rehiyon upang makinabang ang sektor.

“Gumawa kayo ng enforcement mechanism. Isipin niyo baka may maka-joint venture kayo na cooperative rin, then ayusin natin,” sabi niya.

Muling tiniyak ni Cayetano ang kanyang dedikasyon na buksan ang mas maraming oportunidad para sa komunidad ng transportasyon sa Puerto Princesa.

“So siguro ayun din ang magiging role ko sa inyo, maging susi para mabuksan ang mga [iba pang] programa [ng gobyerno],” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -