NARITO ang bahagi ng Senate media briefing via Zoom ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na nagpapaliwanag sa lugar ng arraignment ni dating Bamban Mayor Alice Guo ngayong Setyembre 13, 2024.
MAJORITY LEADER FRANCIS ‘TOL’ TOLENTINO (MLFT): As I said last Tuesday during the committee hearing ni Alice Guo, [Note: the hearing was actually held on Monday, Sept. 9] sabi ko, walang jurisdiction ang Capas, Tarlac RTC Branch 109, ang dapat na may jurisdiction, sinukat natin yun at ang pinakamalapit na judicial region – malapit sana ang Urdaneta, Pangasinan pero baka magka isyu din kasi nalilink yun isang Mayor ng Pangasinan, tapos sinabi ko baka malapit din ang Bayombong, Nueva Vizcaya, 150 kms, malayo ang travel considering na nakakulong siya sa PNP Custodial Center, so ang huling sinabi ko ang RTC Valenzuela might be the nearest RTC in terms of judicial region.
Ngayon September 13, around 1:30 ng hapon ay naka schedule ang arraignment at pre-trial ni Alice Guo sa Capas, Tarlac subalit ngayon umaga ay nag-isyu ng order ang RTC Tarlac Branch 109 na sinasabi nila kina-cancel na nila yun scheduled pre-trial at arraignment today kasi wala silang jurisdiction kagaya ng sinabi ko nung Tuesday. Ang huling balita ko ita-transfer na nila ang kaso sa tamang RTC. Hawak ko ngayon ang isang transmittal letter ng criminal case ni Alice Guo, na naglalaman na paputa na ang dokumento ng lahat ng kaso sa RTC ng Valenzuela.
Siguro in two hours time ay nasa Valenzuela RTC na ang folders na tri-nansmit ng Capas Tarlac RTC, at since RTC Valenzuela is a multi-sala court, magkakaroon yan ng raffle, at doon pa lang malalaman kung sino ang judge at aling branch mapupunta ang kaso ni Alice Guo.
Tama ang ating sinabi na mali ang pag-assume ng jurisdiction ng Capas, Tarlac, so pinapasalamatan ko si Judge Sarah delos Santos ng RTC Tarlac, tina-transfer na nya, sinulatan ang Ombudsman, sinulatan na rin ang PNP Custodial Center at lahat, maging ang Senado, para ipaalam ang kanyang desisyon na tugma dun sa ni-raise ko noong Tuesday.
Q: Ano ang naging basehan bakit court ng Valenzuela?
MLFT: Sang ayon kasi sa RA 10660, ang isang opisyal lalo na ang Mayor, salary grade 27 and above, ay hindi pwede sampahan ng kaso sa judicial region kung saan sya nag-oopisina. Ang Tarlac ay Region 3 so hindi pwedeng samapahan dun dahil meron pa sya impluwensya, lalo na dito sa case ni Alice Guo, syempre kanya ang Vice Mayor, ang Kapitan, may influence pa sya sa area kaya ang batas ginawa, dapat ilipat dun sa pinakamalapit na judicial region, so kinompute ko yan, medyo malayo ang Nueva Vizcaya, sabi nya may death threat sya, malayo-layo yan. Di rin pwede ang Pangasinan kasi involved ang allegedly boyfriend na Mayor, so di rin pwede, kaya ang pinakamalapit ay ang Valenzuela RTC. Napatunayan natin na tama tayo, so para walang impluwensya si Alice Guo sa Tarlac RTC ay ilipat sa RTC ng Valenzuela.
Pero binabasa ko itong order ng Judge ng Capas, apparently, sa order ay nakalagay dito na siya ay nag-inquire din sa Korte Suprema, kung saan talaga dapat i-fle at sinabi ng Supreme Court ay sundin mo ang batas, yung RA 10660 na nabanggit ko kanina, at yung Office of the Court Administrator Circular 10-2024, at yung circular na binanggit ko last hearing, so itinatama na natin lahat ito.
Kasi ganito po yan, pag mali ang jurisdiction ng court, yung venue sa isang criminal case ay mali na ang lahat ng gagawin, kaya ang mangyayari, maging yung warrant of arrest na inisyu ay invalid kasi walang jurisdiction ang court.
Ayoko naman pangunahan yung judge ng Valenzuela, kung sino man yun, ay magre-reissue ng warrant of arrest, at kung saan niya gustong idetine si Alice Guo, kung sa PNP Custodial Center o saan man. Itatama na yung mali. Kasi pag mali sa simula, yung lahat ng errors can be raised for the first time on appeal, kahit sa Supreme Court. So mapapawalang-sala si Alice Guo on the basis of technicality.
So naitama na natin lahat ito, wala na silang lusot dito, kahit tahimik yun abogado ni Alice Guo, ay wala na silang lusot dito. Nasa tamang RTC na at hindi ko na ito kukuwestyunin dahil legal na ang lahat.
Q: May Senate hearing si Alice Guo sa Tuesday, so saan po susulat ang Senado kung ira-raffle pa ito?
MLFT: Baka hanggang mamayang hapon ay matapos yan, pinakamatagal n’yan hanggang Lunes ng umaga. [Note: the initial information is that the cases might be raffled on Thursday, September 19]. Hindi na pwedeng sumulat si Sen. Hontiveros sa judge ng Capas kasi binitawan na niya ang kaso sang-ayon sa ating rekomendasyon.
Yun ang sinasabi ko nung Martes, dahil napakagulo nito, wala pang tamang RTC, isa lang ang valid na warrant of arrest nung Martes, yun ang inisyu ng Senado. Kaya sabi ko, pansamantala dito muna ikulong si Alice Guo, kasi invalid lahat. Baka mamya mag isyu ang RTC Valenzuela, kahit oral oder ay tama na yun. Ang akin po, itinama lang natin ang proseso.
Nagpapasalamat ako kay Judge delo Santos ng Branch 109 ng Capas, dahil sinunod nya ang tamang proseso.
Q: Yung court kusa syang nag-take cognizance of the issues that you raised, ‘di nyo kinailangan mag file ng motion?
MLFT: Hindi po. Hindi ako party sa case pero kung ‘di kikilos, baka nag-file na rin ako. Eto yun wherefore dun sa order ni Judge…
Si Valenzuela ang mag-aassume ng jurisdiction which is the correct and proper thing to do.
Itinama lang natin kasi kung ito ay magtuluy-tuloy na mali, anytime pwedeng mag file ng petition for writ of habeas corpus si Alice Guo – laya sya.
Q; Habang ito ay hinihintay na iraffle sa Valenzuela, ano ang status ni Guo?
MLFT: Mananatili muna sya sa PNP Custodial Center. Hindi naman sya pwedeng basta pakawalan kasi may iba pa syang kaso na kinakaharap. Pero ito kung hindi natin naitama ito, una, mali ang venue which is jurisdictional in criminal law, pangalawa, magiging invalid yung warrant of arrest, pangatlo yung mga pulis natin, makakasuhan pa ng unlawful arrest.
Q: ‘Di ba dinismiss na si Mayor Guo ng Ombudsman, covered pa din ba sya nun RA 10660?
MLFT: Covered, kasi the mere fact of dismissal will not immediately remove the concept of ‘undue influence.’ Ang gusto nating i-prevent dito ay ang influence. Andun pa yung mga galamay nya, influential pa sya sa Tarlac, kanya lahat mga opisyales, andun pa. Yung dismissal is not a ground for the assumption of jurisdiction of Capas, Tarlac.
Hindi naman nakalagay sa batas kung dismissed mayor o incumbent, walang distinction ang batas, ang maliwanag dito mawala ang impluwensya. Hindi na niya kaya siguro impluwensyahan ang RTC Valenzuela.
Q: Hindi kaya later on baka yung kampo naman ni Alice Guo magsabi na baka maimpluwensyahan ang Valenzuela RTC kasi taga dun si Sen. Win?
MLFT: Immaterial na yun. I think our judges are keen on exercising the judicial canons. Wala ako nakikitang ganun.