31.8 C
Manila
Martes, Abril 29, 2025

Fiscal program, alamin

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PAANO binubuo at minamaneho ng National Government (NG) ang fiscal program? Ano ang ginagawa ng NG para hindi lalagpas sa target deficit? Paano dinidesisyunan ang revenue program and expenditure program ng pamahalaan? Ano ang ginagawa sa NG bago pumunta sa Kongreso para ipa-approba ang NG budget?

Ang fiscal program is isang dynamic na dokumento. Kahit na six-year program ang simula nito, binabago at ina-update ito ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) bawat taon. Ang mga miembro ng DBCC ay ang Department of Finance (DOF), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Budget & Management (DBCC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ang Office of the President (OP). Ang DBCC ay nagmi-meeting kapag may mga panukalang amendment sa fiscal program na dapat pag-usapan.

Una, binubuo ng DBCC ang mga macroeconomic parameters o assumptions. (Table 1) Ang mga major parameters ay ang Gross Domestic Product (GDP), inflation rate, interest rate (Treasury Bill at Treasury Bond rates), exchange rate per US dollar, merchandise exports at imports, services exports at imports, at Dubai crude oil price (per barrel). Ang panukalang GDP ay ibinibigay ng NEDA; ang inflation rate at interest rate, ng NEDA, BSP at Btr; at exchange rate, crude oil price, exports at imports ay galing sa BSP. Ginagamit nang lubusan ng mga miembro ang forecasts ng major international institutions gaya ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB), at Asian Development Bank (ADB).

Pagkatapos magkaroon ng agreement ang DBCC sa mga assumptions, lahat ng membro ay babalik sa kanilang mga tanggapan para patakbuhin ang kanilang mga projection models.

Ikalawa, binubuo ng mga miembro ang unang panukala ng revenue, expenditure at financing programs. Ito ay tinatawag na unang panukala dahil nagbabago ito habang pinag-uusapan ito ng mga miembro sa mga sumusunod na pagpupulong.


Sa ganang DOF, ang GDP growth at inflation ang pinakamalakas na indicator ng revenues dahil ang GDP ay ang pinaka-comprehensive na sukatan ng tax base na kung saan lahat ng produkto at serbisyo na pino-prodyus, ipinapagbili at kinokonsumo sa loob ng Pilipinas ay pinapatawan ng tax.

Dahil ang GDP growth assumption ay isang range o hanay ng mga numero gaya ng 6.5-7.5% sa taong 2025, ang ginagamit ay ang lower end ng hanay o ang 6.5%.  Kapag ipinasok ang low-end assumptions sa revenue projection model ng DOF, lalabas ang unang panukala na BIR target sa revenue program. Kapag ipinasok naman ang lower end exports at imports, Dubai crude oil price at exchange rate assumptions sa projection model, lalabas ang unang panukala na BOC target sa revenue target. Low-end projections ang ginagamit  dahil dapat konserbatibo ang budget estimate. Gusto rin nating malapit  ang aktuwal sa projection dahil ayaw nating lumagpas ang projected deficit sa programa. Ayaw din nating magtapyas ang mga kagawaran ng kanilang badyet  sa gitna ng taon. Pagkatapos, ipapasok ng Bureau of the Treasury (BTr) ang projected nontax revenues sa program. Kapag kumpleto na ang programa sa tax at nontax revenues, nagdadaos ng meeting ang DOF, BIR, BOC at BTr para aprobahan ito.

Pagkatapos ma-affirm ang revenues, nagdadaos ng pulong ang technical committee ng DBCC kasama ang DBM na siyang nagpapanukala ng expenditures.

Ikatlo, inaayos ang unang panukala ng expenditure program.

- Advertisement -

Isang taon bago ng fiscal year o ang taon kung kailan gagastusin ang pondo, sa unang quarter ng taon, nagre-release ang DBM ng baseline o indicative budget sa lahat ng kagawaran para makagawa ang bawat upisina ng kanilang panukala. Galing ang baseline sa trend line ng expenditures ng nakaraang tatlo hanggang limang taon.

Gagawa ang mga spending agencies o kagawarang gumagasta ng mga program strategies kung paano nila maisusulong ang kanilang mandato base sa baseline level. Binabalangkas nila ang mga kainakailangan nilang badyet para ipatupad ito. Pagkatapos, makikipag-miting sila sa DBM bago isapinal ang kanilang panukala. Ang mga panukalang badyet ng lahat ng kagawaran ay tinitipon ng DBM para maging bahagi ng panukalang badyet na eventually ay ipapanukala sa miting ng DBCC.

Kapag napagbuklod-buklod na ang expenditure program base sa mga submission ng mga spending agencies, tinitingnan ng DBCC kung ang deficit program ay magkatugma sa fiscal deficit program sa medium-term financing program. Kapag hindi ito tugma, nag-iisip ang DBCC ng paraan para pagtugmain ito. Nag-iisip sila ng new tax measures, expenditure cuts o kaya additional financing options na makakamura sa gastusin.

Ang new tax measures ay maaaring legislative o administrative measure. Legislative measure ito kung may kailangang amyendahan na batas. Ang mga batas ng revenues ay nakasaad sa National Internal Revenue Code (NIRC) at Tariff & Customs Code (TCC). Dahil matagal ang proseso ng pag-amyenda, kailangang masimulan ito sa pagsampa pa lang ng bagong administrasyon sa poder. Isang option ay ituloy ng bagong administrasyon ang mga naipanakula ng dating administrasyon na hindi pa naipapasa ng Kongreso.  Ang mga major legislative measures na naipasa sa Kongreso at napirmahan ng Pangulo ay ipinapakita sa  Table 2.

Administrative ang tax measure kapag di kailangang mag-amyenda ng batas para maisatupad ang pangongolekta. Kadalasan, ito ay nagsaswaad ng pagbabago sa proseso ng pangongolekta para madagdagan ang koleksyon. Maaaring punan ng new tax measure ang kakulangan sa expenditures o para mabawasan ang deficit na unang ipinanukala ng DBCC.  Kapag sang-ayon lahat sa  mga panukalang ito,  nagdadaos ng miting ang buong DBCC Cabinet Committee para aprobahan ang fiscal program. Ang mga major administrative measures na naipatupad noong nakaraang mga taon ay nasa Table 3.

Ikaapat, kapag naisapinal na ang antas ng deficit, gagawa ang DOF ng financing program. Sa financing program nakasaad kung saan kukuhanin ang pondong pandagdag sa revenues at kung saang quarter ito maaaring pumasok. Inililista ng DOF ang lahat ng potential borrowing na makukuhanan ng pondo para sa financing program.

- Advertisement -

Pagkatapos mabuo ang tatlong bahagi ng fiscal program, inaaprobahan ito ng mga Cabinet level na DBCC. Pagkatapos, dinadala ito sa Cabinet meeting para malaman ng bawat Secretary ng mga kagawaran ang badyet na ipinapanukala ng DBCC. Pagkatapos ng Cabinet meeting, isina-sabmit ang panukalang badyet sa Kongreso. Ito ay ginagawa sa ikatlong quarter ng bawat taon sa panahong nag-deliver ng State of the Nation Address ang pangulo.

Dahil bicameral ang legislative branch ng Pilipinas, dalawang beses kailangang aprobahan ang National Budget—isa sa House of Representatives at isa sa Senate. Lahat ng kagawaran ay kailangang makipagpulong sa dalawang chambers ng Kongreso—-simula sa technical committee ng Kongreso hanggang sa plenary session. Aabutin ng anim ba buwan bago ma-approbahan ng dalawang chambers ang panukalang badyet na magiging General Appropriations Act (GAA) at magpulong ang bicameral conference committee para maplantsa ang mga kaibhan ng panukalang badyet ng dalawang chambers.

Kapag tapos na ang Kongreso, pupunta ang panukalang batas sa Pangulo para mapirmahan. Nirerepaso ng Office of the President (OP) kasama ang DBM at gabinete ang panukalang batas. Maaaring i-veto ng Pangulo ang ilang bahagi nito na hindi niya gusto. Maaari rin itong i-override ng Kongreso ang veto sa pamamagitan ng isang pagpupulong ngunit kadalasan ay di ito ginagawa.

Kapag napirmahan ito ni Pangulo, maaari nang magsimulang magpa-bid ang mga kagawaran dahil magsisimula na ang implementasyon ng bagong badyet.

Table 1. MACROECONOMIC PARAMETERS 2025 2026 2027 2028
Program Program Program Program
GDP real gr (low-end targets) 6.5% 6.5% 6.5% 6.5%
GDP nominal (low-end targets) 29,142.9 31,850.9 34,887.0 38,112.7
Exchange Rate (ave) 53-57 53-57 53-57 53-57
CPI Inflation 3% 3% 3% 3%
Inflation (GDP deflator) 1.9% 1.9% 1.9% 1.9%
Nominal GDP gr 8.0% 8.0% 8.0% 8.0%
Interest Rate, 364-day T-Bills (midpoint) 2.5-4% 2.5-4% 2.5-4% 2.5-4%
Interest Rate, Weighted Average, All Mats 5.2% 5.2% 5.2% 5.2%
Merchandise Imports (US$B)          163.34          176.41          190.52          205.76
Merchandise Imports (PhPB)     8,166.940     8,820.295     9,525.918   10,287.992
Merchandise Import Growth (PSA) 8.0% 8.0% 8.0% 8.0%
Merchandise Exports (PSA)            94.25            99.90          105.90          112.25
Merchandise Export Growth (PSA) 6.0% 6.0% 6.0% 6.0%
Services Imports (US$B)            38.02            41.07            44.35            47.90
Services Import Growth (BPM6) 10% 10% 10% 10%
Services Exports (US$B)          115.77          122.71          130.08          137.88
Services Export Growth (BPM6) 6.0% 6.0% 6.0% 6.0%
Crude Oil Price, Dubai, US$/BBL 60-80 60-80 60-80 60-80

 

 

Table 2. LEGISLATIVE TAX REFORMS
Revenue impact, % of GDP Implementation
BIR Year
VAT reform law BIR & BOC 1.11% 2006
Sin tax reform/UHC funding 0.30% 2013
Removal of all tax exemptions/FIRB review 0.75% 1986
TRAIN BIR & BOC 0.34% 2018
     Personal income tax -0.61%
     Excise tax oil 0.25%
     Excise tax SSB 0.22%
     Excise tax cars 0.01%
VAT introduction 0.11% 1988
CTRP  BIR & BOC -0.40% 1998-2000
     Exemption from income tax of GSIS/SSS/health
     insurance plans -0.23% 1998
     Lowering of CYT from 35% to 32% -0.22% 2000
     Rationalization of personal exemptions -0.05% 1999
      NOLCO -0.05% 2002
      Reduction of CGT on unlisted stocks -0.05% 1998
      Taxation of nonresidents on Philippine income 0.00% 1998
     Reimposition of dividend tax (6% in 1998) 0.01% 1999
     Minimum corporate income tax 0.01% 1999
      Fringe benefits tax 0.02% 1998
     Increase in CGT from 5% to 6% 0.05% 1998
BOC
Import levy 0.67% 1991-92
Tariff restructuring – Annual loss average -0.17% 1980-2000
Oil Deregulation Law
     Lower oil duties to 3% -0.10% 2000
     Zero oil duties -0.15% 2010
Source: Department of Finance

 

Table 3. TAX ADMINISTRATION REFORMS
Revenue impact, % of GDP Implementation
BOC year
Broadening of published values/CISS/digitalization 0.32% 1989
CISS globalization 0.11% 1991
Auction of seized goods 0.10% 1990
Digitalization 0.07% 2020
Digitalization & procedural reforms 0.05% 1992
BIR
Withholding income tax/disallowance of back-to-back loans 0.22% 1989
VAT on sugar 0.10% 1989
Affixing of strip stamps on liquor & beverages 0.08% 1990
Fuel marking 0.03% 2019-2020
Digitalization 0.06% 2020
Stamping of sales receipts/raffles 0.05% 1990
Tax system computer matchings & data linkages with
government offices 0.05% 2005
Audit of ecozone locators & GOCCs 0.01% 2005
Source: Department of Finance (DOF)

 

 

 

 

- Advertisement -
Previous article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -