27.1 C
Manila
Lunes, Abril 28, 2025

PBBM ibinahagi ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican dala ang pakikiramay at pasasalamat ng bawat Pilipino.

Aniya, “Dumalo ako sa libing ni Pope Francis bilang pagtanaw ng taos-pusong paggalang — mula sa isang bayang matatag sa pananampalataya, para sa isang Santo Papa na humaplos sa puso ng milyon-milyon.
”Nakiisa ako, hindi lang bilang Pangulo, kundi bilang isang Pilipino — dala ang dasal at pag-asa ng bawat kababayan nating nais sanang makadalo at makapagpasalamat.
”Isang taos-pusong pagpupugay mula sa sambayanang Pilipino para sa isang Santo Papa na kumalinga at nagbigay-tinig sa mga hindi napapakinggan.
St. Peter’s Square, Vatican City | 26 April 2025

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -