34.7 C
Manila
Martes, Abril 22, 2025

PCUP Mindanao, target ang inklusibong pag-unlad ng mga urban poor sa paglagda ng MOA

- Advertisement -
- Advertisement -

Zamboanga City: Sa layuning mapalawak ang suporta sa mga maralitang tagalungsod at isulong ang inklusibong kaunlaran, opisyal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Commission for the Urban Poor – Field Operations Division for Mindanao (PCUP-FODM), kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Region 9, Social Housing Finance Corporation (SHFC), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region 9, at ang Confederation of Zamboanga City Homeowners Association Inc.

Ginanap ang MOA signing noong ika-28 ng Marso, 2025 sa Philippine Red Cross Conference Room, Zamboanga City, Zamboanga del Sur. Nilagdaan ang kasunduan nina Dir. Tarhata Mapandi, CESO III – Regional Director ng Tesda, Federico Laxa – Regional Director ng SHFC, Atty. Ferdinand Iman – Chief of Operations ng PCUP, Dir. Roland Eta – OIC-Regional Director ng DHSUD, at Lourdes Eraham – President ng Confederation of Zamboanga City Homeowners Association Inc.

Layunin ng kasunduan na itaguyod ang inclusive growth at pantay-pantay na pagbibigay kapasidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno at iba pang mga stakeholder upang mapalakas ang kapasidad ng mga urban poor communities at mga Socialized Housing Homeowners Associations. Saklaw ng MOA ang mga proyektong magbibigay ng livelihood programs, skills training sa ilalim ng Tesda, abot-kayang pabahay mula sa SHFC, at mga inisyatibang pabahay at urban development mula sa DHSUD.

“Ang pagtutulungan ng mga ahensyang ito ay isang mahalagang hakbang upang matiyak na nararamdaman ng mga urban poor ang tunay na serbisyo ng pamahalaan. Layunin nating bigyan sila ng mga oportunidad para sa mas magandang kinabukasan,” ani Atty. Iman ng PCUP.

Nagpa-abot naman ng kanyang suporta at pasasalamat si PCUP Chairperson at CEO Meynardo Sabili sa mga ahensyang walang sawang nakikibahagi at sumusuporta sa layunin ng Komisyon na iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat maralitang Pilipino sa buong bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -