30.8 C
Manila
Linggo, Abril 13, 2025

Pahayag ni Senate President Escudero sa Araw ng Kagitingan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senate President Francis Escudero sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa website ng Senate of the Philippines.

Larawan mula sa Facebook page ni Senate President Chiz Escudero

Narito ang kanyang statement.

“Sa araw na ito, tayo ay nagbabalik-tanaw at nagpupugay sa mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kalayaan at karangalan ng ating bayan.

“Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, ating naaalala ang mga aral ng kasaysayan–na ang kalayaan ay hindi madaling nakakamtan at ito’y pinagbabayaran ng pawis, dugo, at buhay.

“Hinihikayat tayo ng araw na ito na patuloy na magsikap para sa bansa at ipakita ang ating tapang at malasakit sa mga hamon ng makabagong panahon.

“Ngayon, ipakita natin ang pasasalamat sa mga naging bayani ng nakaraan sa pamamagitan ng pagiging bayani sa kasalukuyan. Mula sa paggawa ng mga maliliit na kabutihan hanggang sa mga dakilang layunin para sa bayan, magkaisa tayong lahat upang patuloy na maipagmalaki ang ating pagiging Pilipino.

“Panatilihin nating buhay sa ating puso’t isipan ang diwa ng kagitingan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -