SA oath taking ng 39 na bagong promote na star-ranked officers ng PNP, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas mataas na pananagutang kaakibat ng kanilang bagong ranggo.
Inanyayahan ni PBBM ang kapulisan na makiisa sa pagtaguyod ng Bagong Pilipinas “kung saan ramdam ang kapayapaan sa buong kapuluan,” at namumuhay nang “matiwasay, walang takot, at may dignidad” ang bawat Pilipino.