ANO ang fiscal program at bakit kailangan itong i-monitor at imaneho ng bansa? Anu-ano ang mga kasama sa programang ito? Anu-ano ang mga katangian ng mahusay na fiscal program para itoý magiging makabuluhan sa bayan at mga mamamayan?
Ang fiscal program ay inaayos at iniimplementa ng pamahalaan bawat taon. Ito ay kailangan para hindi mabaon sa utang ang ang bansa, para maimplementa ang mga proyekto na magpapaunlad sa bansa, at mapondohan ang mga serbisyo na kailangang maibigay sa mga mamamayan. Ang lakas ng fiscal position ay tinatarget para palakasin ang pundasyon ng pag-unlad at magiging sustainable ang pakikibaka sa kahirapan.
Ang fiscal program ay isang mahalagang bahagi ng development plan. Bawat administrasyong darating, gumagawa ang mga ahensiya ng gobyerno ng fiscal program na naaangkop sa development plan nito sa kahabaan ng tenure ng pangulo. Inaayos ng paalis na administrasyon ang balangkas ng fiscal program na ipinapa-approba sa susunod na administrasyon.
Ang fiscal program ay ginagawa ng mga kawanihan o department na kasapi sa economic cluster ng gabinete ng Pangulo. Ang mga kawanihang ito ay ang Department of Finance (DOF), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang Office of the President (OP). Kasama rin sa DBCC ang mga bureau na nagongolekta at nangangalaga sa mga financial resources at bayarin ng pamahalaan gaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of the Treasury (BTr).
Dahil ang mandate na ito ay nakakalat sa limang kawanihan ng pamahalaan, nag-issue si Pangulong Marcos ng Executive Order No. 232 series of 1970 noong Mayo 14, 1970 na lumikha ang Presidential Development Budget Committee na kalaunan ay naging Development Budget Coordination Committee (DBCC). Sa bawat pagpalit ng pangulo, inaayos ng DBCC ang panukalang fiscal program para sa susunod na anim na taon. Ang program na ini-implementa ngayon ay ang fiscal program para sa taong 2022 hanggang 2028. Itoy isang chapter sa Medium-Term Development Plan (MTPDP). Bawa’t taon, may budget na ina-approbahan ng NG. Ngayong taon, kasalukuyang ini-implementa ang 2025 NG budget.
Tatlong programa ang nasa loob sa fiscal program. Ito ang revenue program na ipinapanukala ng Department of Finance (DOF), ang expenditure program ng Department of Budget and Management (DBM), at ang financing program.
Una, ang DOF ang nagpapanukala ng revenue program. Ang revenue program ay binubuo ngdalawang bahagi — ang tax revenues at nontax revenues.
Ang tax revenues ay kinokolekta ng BIR, BOC at iba pang agencies. Lahat ng mga upisinang nangongolekta ng revenues ng pamahalaan ay binibigyan ng target na kailangang maabot para malakas ang fiscal position at may sapat na pondo para masuportahan ang mga programa ng pamahalaan. Ang mga pinakamalaking nag-aambag sa revenue collections ay ang BIR na nagongolekta ng lahat ng national internal revenues ng NG na nagkakahalaga sa 70% ng total revenues. Ang pangongolekta at pagbabayad ng national internal revenues ay nakasaad sa batas na National Internal Revenue Code (NIRC). Nasasaklaw dito ang lahat na produkto at serbisyo na nalikha sa buong Pilipinas.
Ang ikalawa ay ang Bureau of Customs (BOC) na nagongolekta ng customs revenues na tinatawag ding customs duties, o kaya taripa, at customs taxes. Ang mga ito ay kinokolekta kapag pumasok sa bansa ang mga imports o produktong inaangkat mula sa ibang bansa.
Ang ikatlo ay ang mga ahensyang kumukolekta ng nasa kategorya ng other tax revenues na gaya ng immigration tax, motor vehicle user charge (MVUC), forest charges at fire code tax. Ang Bureau of Immigration ang nangongolekta ng immigration tax; ang Land Transportation Office (LTO) ng MVUC; ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng forest charge; at Bureau of Fire Protection (BFP) ng Fire Code Tax. Lahat ng koleksyon ay nire-remit sa BTr, ang tagapangalaga ng mga cash resources ng pamahalaan.
Ang ikaapat ay ang nontax revenues na kinokolekta ng ilang sangay ng pamahalaan mula sa bayad sa kanilang serbisyo sa mga tao at iba’t ibang institusyon. Kabilang dito ang BTr income na galing sa mga dibidendo at share sa profits ng mga korporasyon ng gobyerno o ang mga government-owned- and controlled corporations (GOCCs), fees and charges na galing sa mga koleksyon ng mga kagawaran at ahensya, mga kita sa pagbebenta ng mga pribatisadong pag-aari ng pamahalaan (privatized assets), mga kita galing sa Malampaya gas, minahan at iba pang royalties mula sa natural wealth ng bansa, mga grants na tulong galing sa mga mayayamang bansa, at ang mga cash resources galing sa mga ahensya na hindi nagamit at isinasauli sa Treasury.
Ngayong 2025, ang revenue program na ipinagtibay ng DBCC noong Disyembre 2024 bago nagsimula ang taon ay nagkakahalaga ng P4.644.4 bilyon, nagkakahalaga ng 16.2% ng nominal gross domestic product (GDP).
Ang ikalawang programa ay ang disbursement o expenditure program na ipinapanukala ng Department of Budget and Management (DBM) pagkatapos nitong makonsulta ang lahat ng kagawaran at ahensya ng pamahalaan. Bawat kagawaran at ahensya ay kasama sa programa ng expenditures. Ito ay naka-classify sa iba’t ibang sektor gaya ng economic services; social services gaya ng education health, housing at atbp.; general public services, defense, at debt service. Ito ay naka-classify din sa current operating expenditures (COE) o kaya’y capital outlays (CO). Ang COE ay nako-konsumo sa taon kung kailan ito na-approba gaya ng personnel services o sueldo ng mga kawani, at operating and maintenance expenditures para pangalagaan ang mga assets at pasilidad ng pamahalaan. Ang CO naman ay mga gastusing may buhay na lumalagpas sa isang taon gaya ng imprastruktura at equity sa mga GOCC. Ang CO ay malaking impluwensiya sa GDP growth sa hinaharap. Kapag lumalaki ang gastusin sa capital outlays, sumusunod ang pribadong sector na gumnagastos din para palaguin ang kanilang mga negosyo.
Ngayong 2025, ang expenditure program ay umaabot sa P6,182.1 bilyon, 21.5% ng GDP. Ito ay pinagtibay ng DBCC noong Disyembre 2023. Ang program para sa COE ay umaabot sa P4,956.4 bilyon. Kasama rito ang interest payments na aabot sa P898 bilyon.
Ang CO ay nagkakahalaga ng P1,456.1 bilyon. Ang imprastruktura ay mahalagang bahagi ng CO kasi dito nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa. Ang mga industriya ang gumagamit ng mga pasilidad na ginagastusan dito ang nagbibigay paraan para madala ng mgfa Negosyo ang kanilang mga produkto at serbisyo sa mga palengke at pagawaan sa buong bansa. Dahil dito ay nagiging kompetitibo ang mga industriya at maaari silang mag-expand at maglikha ng trabaho. Kasama rin dito ang mga assets na ginagamit sa digital connectivity para makadaloy ng impormasyon na kailangan para sa mga produkto at serbisyo ng mga negosyo at pagawaan.
Ang ikatlo ay ang financing program na ipinapanukala ng DOF base sa deficit o surplus ng National Government (NG). Kung mas mataas ang revenues kaysa sa expenditures, ang NG ay may surplus. Kapag mas mataas ang expenditures, ang NG ay may deficit. Ipinapakita ng financing program ang plano ng pamahalaan sa pangungutang at pagbabayad ng utang at ang mga proyekto kung saan ito gagamitin.
Ang financing program ay may tatlong bahagi.
Ang unang bahagi ay ang utang ng bansa sa domestic market. Nagi-issue ang Btr ng Ang una ay ang domestic borrowing. Kasama rito ang pag-isyu ng Treasury Bills (T-Bills) at Treasury Bonds. (T-Bonds). Ang T-Bills ay mga papel na na ebidensiya na may utang ang NG sa mayhawak nito. Ang T-Bills ay may maturity na hindi lalagpas ng isang taon. Ito ay ibenebenta ng National Government (NG) sa publiko. Maaaring ibenta ng mayhawak ang T-Bills sa secondary market. Gumagalaw ang balor o presyo nito base sa supply at demand.
Ang T-Bills ay maaaring 90-day, 180-day, o 360-day o one-year bills. Sa mga normal na panahon, mas mababa ang interest rate kapag mas mababa ang maturity nito. Ngunit ang 90-day bill ay kailangang i-rollover pagkatapos ng 90 days. Ang ibig sabihin, magi-issue ang NG ng panibagong 90-day bill para i-rollover ito. Di masigurado kung tataas o bababa ang interest rate pagkatapos ng 90 days kaya may tinatawag na interest rate risk ang pag-issue ng shorter maturity na T-Bills. Kapag longer ang maturity, gaya ng 360-day bills, mas mababa ang interest rate risk nito kasi ang interest rate kapag na-issue ito ang maging interest rate ng isang taon o 360 days. Kaya lang, mas mataas ang interest rate dito.
Maaari ding mag-issue ang BTR ng T-Bonds na mas mahaba ang maturity. May 3-year, 5-year, 10-year at 20-year T-Bonds. Depende sa risk assessment ng BTR, nag-issue ito ng kombinasyon ng T-Bills at T-Bonds na naaayon sa assessment nito tungkol sa magiging interest rate ng bills and bond market.
Maaari ding mangutang ang NG sa pamamagitan ng external borrowing o utang sa labas ng bansa. Sa kaso ng external debt, maaaring umutang ang NG sa bilateral at multilateral financial institutions. Ang bilateral debt ay mga pautang ng mga pamahalaan ng ibang bansa sa mga kanilang mga kaibigang bansa. Mas mura ang mga utang na ito kaya ito ang unang ginagamit kapag kailangan ng mga proyekto ng foreign funding. Ang mga pamahalaang malaki ang bilateral na pautang sa Pilipinas ay ang Japan, USA at European Union. Ang multilateral debts naman ay galing sa mga financial institutions na pag-aari ng maraming bansa gaya ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB). Mura din ang interest rates ng mga utang dito dahil mataas ang credit rating ng mga advanced economies na miembro rito.
Maaari ding umutang sa mga external bondholders. Nagi-isyu tayo ng mga bonds na ibenebenta ng mga underwriters na bangko sa worldwide financial markets. Ang mga interest rates nito ay base sa international market trends at kung gaano kaganda ang credit rating ng bansang umuutang.
Ang external debt ay may interest rate risk at foreign exchange risk. Kung variable debt ang uutangin, gagalaw ang interest rate quarterly, bimonthly o yearly depende sa nakasulat sa agreement. Kung fixed rate debt ang uutangin, hindi gagalaw ang interest rate na babayaran hanggang maturity ng bond. Ngunit dahil mas mahaba ang maturity period nito, mas mataas din ang interest rate na ipinapatong ng lender. Ang foreign exchange risk naman ay may peligro na aakyat ang equivalent nito sa Philippine peso. Kapag panahon na ng bayaran, maaaring nag-depreciate o nag-appreciate ang currency ng debt na inutang. Kapag nag-depreciate ang Philippine peso, nangangailangan ang NG ng mas maraming per ana pambayad.
Pinakamalaking hahagdan sa external debt ng NG o 74% bilyon ay nasa US dollar. Kasunod ang Philippine peso na may halagang US$12.68 billion, o 9.2 percent) at pangatlo ang Japanese yen na may halagang US$10.33 billion, o 7.5 percent.
Ang tatlong programang ito ay isinasama sa taun-taong Budget of Expenditures at Sources of Financing (BESF) na ipinapablis ng DBM. Ang mga kopya ng BESF ay ibinibigay ng DBM sa mga Congressmen at Senators, at sa publiko para sa budget hearings na idinadaos nila bawa’t taon. Ang mga impormasyong nakaloob dito ito ay nakapablis din sa websites ng mga kagawarang kasapi sa DBCC.
Kapag may mga pagre-rebisa ang Kongreso at ng pangulo ng bansa bago pirmahan ang General Appropriations Act (GAA) sa mga nakatakda sa BESF, inilalagay ang mga pagpapalit sa susunod na isyu ng BESF sa susunod na taon.
May mga programang hindi masyadong nabibigyan ng pansin sa fiscal program na napapaloob sa BESF. Isa ay ang Public-Private Partnership (PPP) program na kasama rin sa fiscal program. Kahit hindi ito ginasgastusan ng pamahalaan, isinasama ito sa fiscal program para makita ang kabuuan ng mga proyektong sinusuportahan ng pamahalaan.
Ang ikalawa ay ang mga programa ng GOCCs na isinasama rin ng DBM sa fiscal program. Kasama sa program ang mga major programs na ipapatupad ng mga GOCCs. Kadalasan, ang mga cash flows lang ang ipinapakita ng DBM sa BESF. Kapag kailangan ng publiko ang buong listahan ng mga proyekto ng mga GOCCs, makikita ito sa mga website ng mga GOCCs na ito.
Kailangang kumpleto ang fiscal program para makita sa kabuuan ang programa ng pamahalaan at ang inaasahang maging impact nito sa ekonomiya. Kailangang konserbatibo at realistiko ang mga numerong gagamitin para hindi lalagpas sa deficit ang programa at di mabaon sa utang ang bansa. Kailangan ding malapit sa aktuwal ang revenue collection projection para maimplementa ang lahat ng proyektong kailangan para mapaunlad ang bansa at maipatupad ang lahat ng serbisyong kailangan ng mga mamamayan.
FISCAL PROGRAM, 2025 | million pesos |
I. NG Revenues | 4,644.4 |
% of GDP | 16.2% |
Tax Revenues | 4,332.6 |
% of GDP | 15.1% |
BIR | 3,232.5 |
% of GDP | 11.2% |
BOC | 1,064.0 |
% of GDP | 3.7% |
Others | 28.2 |
Non-Tax Revenues | 210.8 |
% of GDP | 0.7% |
Privatization | 101.0 |
II. NG Expenditures | 6,182.1 |
% of GDP | 21.5% |
Current Operating Expenditures | 4,596.4 |
o.w. Interest Payments | 848.0 |
% of GDP | 2.9% |
Capital Outlays | 1,557.0 |
% of GDP | 5.4% |
o.w. Infrastructure | 1,538.4 |
% of GDP | 5.4% |
Net Lending | 28.0 |
NG Balance | -₱1,537.70 |
% of GDP | -5.3% |
III. Financing | |
Gross Borrowings | 2,545.0 |
Less: Amortization | 1,202.8 |
Domestic Borrowing | 2,036.0 |
External Borrowing | 509.0 |
Source: BESF |