SA gitna ng magulong ekonomiya ng mundo noong 2024 na kung saan matumal ang export demand at mahina ang daloy ng foreign direct investment (FDI), nagtala ang Pilipinas ng balance-of-payments (BOP) surplus at nakaranas ng pagtaas ang Gross International Reserves (GIR) o ang naipon nitong foreign exchange . Saan naggaling ang mga pondong ito? Ano ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang BOP position ng bansa sa kabila ng magulong daigdig?
Noong 2024, nagtala ang Pilipinas ng BOP surplus ng bansa na nagkakahalaga ng $609 milyon. Maliit man ito kumpara sa $3.7 bilyon na surplus noong 2023, nagpapakita ito ng malakas na kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ekonomiya. (Table 1) Hindi inalintana ng bansa ang matumal na export demand, mataas na interest rate ng pautang, ang pag-akyat ng presyo ng maraming produktong kinabibilangan ng petrolyo at bigas na inaangkat natin sa ibang bansa, at ang pagdalang ng pagpasok ng dayuhang puhunan.
Saan kaya nanggaling ang karamihan sa mga foreign exchange receipts? Anu-ano ang ibinebenta natin sa mga ibang bansa?
Una, lumago ang exports of services ng 8.2% noong 2024. Umabot ang exports of services ng $52.0 bilyon mula sa $48.0 bilyon noong 2023. Kasama rito ang turismo kung saan lumago ang tourism revenues mula $9.1 bilyon sa $9.7 bilyon , 6.6% na pag-akyat. Kasama rin dito ang mga tinatawag na information technology (IT)-enabled services gaya ng call centers, data storage and accounting services, animation, at transcription and translation services. Ang mga IT-enabled services ay lumago mula $30.4 bilyon sa $32.8 bilyon, 7.9% na pagtaas.
Isa pang kategorya ng exports of services na nagpakita ng maliksing paglago ay ang passenger, freight and other transport na lumaki mula $3.1 bilyon sa $3.6 bilyon, 16.1% na paglakas. Ang services na ito ay ibinibigay ng mga airlines at barko na pag-aari ng mga Pilipino. Bumabalik na ang mga turista at cruise ships at sumisigla na ang pandaigdigang kalakalan.
Ikalawa, lumago ang primary income ng 14.4%, mula $3.8 bilyon sa $5.0 bilyon. Ang primary income inflows ay binubuo ng mga dibidendo at interest income ng mga namumuhunang Pilipino na nagpadala ng kanilang investment sa iba’t ibang bansa noong mga nakalipas na taon.
Ikatlo, lumakas ang secondary income net flows galing sa overseas Filipinos (OFs) mula $31.0 bilyon sa $31.7 bilyon, 1.8% na paglago. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 2.6 milyong Pilipinong manggagawa ang na-deploy noong 2023. Nadagdagan pa ng tinatayang 2.5 milyon na na-deploy noong 2024.
Kahit na magulo ang world economy at humina ang GDP growth ng Pilipinas noong 2024, patuloy ang pag-akyat ng mga pangangailangan ng imports.
Umakyat ang imports of goods ng 2.0%, mula $121.2 bilyon sa $123.8 bilyon. Maliban sa ilang imports, halos lahat na kategorya ng imports ay patuloy ang pag-akyat. Umakyat ang importasyon ng pagkain mula sa $0.9 bilyon sa $1.1 bilyon, 12.3% na paglago. Ngunit humina ang imports ng raw materials at intermediate goods ng -3.3% at capital goods ng -0.6%. Kasama sa bumaba ay ang imports ng mineral fuels and lubricants ng 3.5% dahil sa mas mababa na presyo nito kasama ang crude oil. Noong 2024, nag-average ang crude oil price ng $80.3 kada bariles, mas mababa kaysa sa $80.1 noong 2023.
Tumaas din ang imports of services mula $29.4 bilyon sa $37.4 bilyon, 27.4% na paglago. Umakyat ang mga bayarin sa services ng foreign airlines at shipping lines. Ganoon din ang papalabas na turismo. At sa pangkalahatan, ang deficit sa trade in goods at services ay umakyat mula sa $47.9 bilyon sa $54.2 bilyon, 13.2% na paglago. Ngunit ang net income mula sa mga Pilipinong namumuhunan at manggagawa ay lumago mula $35.5 bilyon sa 36.7 bilyon, 3.3% na paglago.
Umakyat din ang net capital and other flows ng 45.8% sa $17.5 bilyon; kabilang dito ang mga net inflows ng foreign direct investment , portfolio investment at net unclassified flows na hindi ma-classify ng BSP kung puhunan, utang o exports. Tanda ito ng malakas ng kumpiyansa sa pamamalakad ng ekonomiya. Hindi ito gagawin ng mga negosyante kung nagdududa sila sa lakas ng piso, ng BOP at galaw ng ekonomiya.
Patuloy ang pamumukadkad ng BOP position noong 2024 kaya namayagpag ang Gross International Reserves (GIR) sa $106.3 bilyon noong nagtapos ang taong 2024, 2.4% na paglago mula sa $103.8 bilyon noong nakaraang taon. Ang halagang ito ay kasya sa 7.5 na buwan ng imports ng goods at services, lagpas sa minimum standard na 2-3 buwan ayon sa International Monetary Fund (IMF). Ito ay 3.7 na mas malaki kaysa sa short-term debts ng bansa base sa residual maturity, o iyong mga buwang natitira bago ito maging due at payable.
Table 1. BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT | |||
2023 | 2024 | Growth (%) | |
24 vs. 23 | |||
OVERALL BALANCE (US$M) | 3,672 | 609 | -83.4% |
OVERALL BALANCE (% OF GDP) | 0.84% | 0.13% | |
I. CURRENT ACCOUNT | |||
CURRENT ACCOUNT BALANCE (US$M) | (11,405) | (17,515) | 53.6% |
CURRENT ACCOUNT BALANCE (% OF GDP) | -2.6% | -3.8% | |
EXPORTS | 152,172 | 157,609 | 3.6% |
IMPORTS | 164,559 | 175,124 | 6.4% |
A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE | |||
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCES, US$M | (47,852) | (54,164) | 13.2% |
% OF GDP | -0.2% | -0.2% | |
TRADE IN GOODS, BALANCE (US$M) | (66,035) | (68,744) | 4.1% |
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) | -15.1% | -14.9% | |
EXPORTS | 55,257 | 55,012 | -0.4% |
IMPORTS | 121,292 | 123,756 | 2.0% |
TRADE IN SERVICES, BALANCE (US$M) | 18,183 | 14,580 | -19.8% |
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) | 4.2% | 3.2% | |
EXPORTS | 48,332 | 51,978 | 7.5% |
IMPORTS | 30,149 | 37,398 | 24.0% |
B. INCOME BALANCE | |||
TOTAL INCOME | 35,467 | 36,651 | 3.3% |
PRIMARY INCOME, BALANCE (US$M) | 4,342 | 4,966 | 14.4% |
PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) | 1.0% | 1.1% | |
RECEIPTS | 16,367 | 17,743 | 8.4% |
PAYMENTS | 12,025 | 12,777 | 6.3% |
SECONDARY INCOME BALANCE (US$M) | 31,125 | 31,685 | 1.8% |
SECONDARY INCOME, BALANCE (% of GDP) | 7.1% | 6.9% | |
RECEIPTS | 32,217 | 32,877 | 2.0% |
PAYMENTS | 1,092 | 1,192 | 9.2% |
II. CAPITAL ACCOUNT & OTHERS (NET FLOWS) | 12,014 | 17,513 | 45.8% |
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas |