MASAYANG ibinalita ni Senador Joel Villanueva na aprubado na ang bagong daily minimum wage rates ng Bicol Region o Region V at bago na rin ang monthly minimum wage rate para ng mga kasambahay.
May dagdag na P40 sa daily minimum wage na ibibigay sa dalawang bahagi para sa Bicol Region simula Abril 5, 2025 at may dagdag na P1,000 sa buwanang suweldo ng mga kasambahay.
Samantala, may dagdag na P900 sa buwanang suweldo ng mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula simula Abril 3, 2025.
Ani Sen Villanueva, “Magandang balita po para sa ating mga manggagawa mula sa Bicol at Zamboanga Peninsula Region! Madaragdagan po ang daily minimum wage rates ng ating mga manggagawa mula sa mga nasabing rehiyon, kabilang din po rito ang karagdagang buwanang sweldo para sa ating mga kasambahay.
“Patuloy po ang ating misyon na ipaglaban ang living wage bilang tamang pamantayan sa pagtukoy ng nararapat na daily minimum wage para sa ating mga manggagawa. Mabuhay!”