31 C
Manila
Lunes, Marso 31, 2025

Cayetano: Sandamakmak ang depekto sa Cabagan-Sta. Maria bridge

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI pa man nakukumpleto ang pagtatayo ng Cabagan-Sta. Maria ay sandamakmak na ang natuklasang depekto nito.

Ito ang ibinunyag ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, March 26, 2025, sa pagpapatuloy imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa biglang pagkasira ng tulay sa Isabela.

“935 fails in total [citing the number of times the word was mentioned in the consultant’s As-Built Evaluation Report] … Forgive me Mr. Secretary, but there should be outrage about this information kasi hindi naman pala totally unexpected na bumagsak ang bridge,” sabi ng senador kay Public Works Secretary Manuel Bonoan.

“Kasi nga since 2018 until now — in five years’ time — na-reveal na mayroon nang problem after problem, tapos may fail pa,” dagdag niya.

Ayon sa senador, nanggaling mismo sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways ang impormasyon ng mga depekto na natuklasan ng kanilang mga tauhan simula noong taong 2018.

Aniya, nakasaad sa mga ulat na lahat ng 12 span ng tulay ay mayroong mga isyu – mula sa minor (bitak), hanggang critical (hairline cracks) at severe (snapped bolts, deformities, longitudinal cracks, at iba pa).

“Hindi totoong spans 2 and 3 lang ang may problema. Every single one of the spans ay napansin ng inyong field engineers so much so that the DPWH asked to get an independent structural engineer [to assess it],” sabi ni Cayetano.

Ikinagalit din ng senador ang pagbabalewala ng ahensya sa failure reports at inirekomendang aksyon na isinumite nina Project Engineer Felipe Lingan Jr. at Robert Panaligan.

Wika niya, dahil sa mga ulat noong taong 2020, mukhang ang sanhi ng pagbigay ng tulay ay ang kalidad ng konstruksyon at hindi depekto sa disenyo. “Mayroon nang prima facie evidence [na ang failure] ay nasa construction, hindi design,” aniya.

Isiniwalat din ni Cayetano na maaaring hindi de kalidad ang ginamit na bakal sa paggawa ng tulay. Bilang patunay, nagpakita siya ng larawan kung saan kita na malinis ang pagkahiwa ng bakal, imbis na banat ito.

Natuklasan pa ng senador na ang mga bolt sa tulay ay hindi nasuri ng sinumang field engineer ng DPWH at na-inspeksyon lamang ito ilang araw pagkatapos ito nasira.

“May bumagsak na tulay sa Pilipinas na [worth] a billion pesos and yet you have no outrage. Hindi man lang ginawa test isang buwan na [ang nakalipas]?” bwelta ng senador.

Dismayado si Cayetano dahil aniya napakakupad ng tugon ng ahensya sa insidente, na nangyari pa noong February 27, 2025.

Ikinagalit ito ng senador dahil dalawang linggo pagkatapos nasira ang tulay – habang dinidinig ng Blue Ribbon Committee ang isyu noong March 14 – ay nalaman niya na wala pang aksyon ang DPWH sa insidenteng ito. Wala pa silang ginawang special committee o pagdinig, inatasang lider para sa imbestigasyon, at pinatawan ng preventive suspension upang managot sa nangyaring trahedya.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagkagalit, determinado si Cayetano na alamin ang katotohanan sa pagkasira ng tulay. Gusto niyang magpasa ng mga kinakailangang reporma sa loob ng DPWH.

“Walang sacred cows dito sa imbestigasyon kasi tulay ito… Ang tama ay tama, ang mali ay mali. I see this as an opportunity to draw the line and tell contractors na, ‘P1 trillion na ang budget ng DPWH. Dapat may red line. Wag dadayain ang projects’,” wika ng senador.

“This can be the starting point of reform of DPWH in this administration that will have far-reaching effects in the future,” dagdag niya.

Kinastigo ang DPWH 

Binanatan ni Sen. Cayetano ang DPWH nitong Miyerkules dahil sa kawalan aniya ng agarang aksyon at pagkagalit sa pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Matapos lumiban si DPWH Secretary Manuel Bonoan sa motu proprio hearing ng Senate Blue Ribbon Subcommittee noong March 14, 2025, nagkaroon ng pagkakataon si Cayetano nitong March 26 na usisain siya tungkol sa paraan ng ahensya sa pagsisiyasat ng insidente.

“I won’t keep repeating myself, Mr. Secretary, but can I put on the record that we should have a sense of urgency in getting to the bottom of this,” wika niya.

Nang tanungin kung may naipatupad na preventive suspensions habang isinasagawa ang imbestigasyon, inamin ni Bonoan na wala pang sinuspinde.

“At this point in time, there has not been any suspension that has been meted to any person in the department simply because many of those who have been in, who have one way or the other, involved in the construction supervision of the bridge are no longer connected with the department,” wika ni Bonoan.

Pero giit ni Cayetano, mahalaga ang preventive suspensions upang matiyak ang patas at maayos na imbestigasyon.

“That’s why meron po tayo sa batas natin na preventive suspension sapagkat importanteng malaman ng tao na fair ang investigation, ‘di ba?” wika niya.

Dagdag pa niya, kahit maikling suspensyon lang sana ay sapat nang hakbang lalo na sa bigat ng insidenteng ito.

“I’m not asking you to suspend them for 3 months, 6 months. You suspend them for 2 weeks and finish the investigation for 2 weeks and afterwards, cleared sila. Pero y’ung zero suspension? Tulay ang bumagsak at hindi ito ordinary,” wika niya.

Kinuwestyon din ng senador kung bakit tila walang galit o pagkabahala sa nangyari, na dapat sana ay magsilbing wake-up call hindi lang sa DPWH kundi sa buong gobyerno.

“Nasaan ang sense of indignation or outrage dito? Obviously, there’s a quiet cover-up that’s happening,” wika niya.

Hinimok ni Cayetano ang DPWH na seryosohin ang usapin dahil ang tamang paghawak sa kasong ito ay maaaring magbukas ng pinto sa kinakailangang reporma sa ahensya. Mula sa website ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -