MARIING sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na “Sa Bagong Pilipinas, walang lugar ang diskriminasyon.”
‘Yan ang pagtitiyak ni Sec. Pangandaman sa kanyang pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month sa Department of Justice.
“No matter your beliefs, religion, politics, or gender, everyone has a seat on the table, especially those who have long been unheard or underrepresented. Lahat po tayo, magkakasama sa paghubog ng mas magandang bukas,” ayon kay Secretary Mina.
Siniguro din ni Sec. Mina ang aktibong pagsusulong ng Gender and Development (GAD) Budget Policy o ang tinawatag na “Women’s Budget,” na nagtatakda sa bawat ahensya ng gobyerno na maglaan ng hindi bababa sa 5 percent ng kabuuang pondo nito para sa GAD programs, projects, and activities.
Kasabay nito, kinilala rin ni Sec. Mina ang kontribusyon ng bawat kababaihan ng DOJ at hinikayat ang bawat isa na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa pagsisilbi sa bayan at pagsusulong sa karapatan ng bawat Filipina.
Kasamang nakiisa ng Budget Secretary sa programa si DBM Undersecretary Margaux Salcedo at Assistant Secretary Leonido Pulido III.