SA ulat ni Vice President Sara Duterte sa nangyaring pagtitipon ng mga Pilipino sa The Hague, Netherlands, nagpasalamat siya sa mga Pilipinong nagbiyahe mula sa iba’t ibang bansa para maipakita ang kanilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Naging makabuluhan ang ating pagtitipon na nangyari sa Malieveld Park, The Hague, Netherlands nitong Linggo matapos dinagsa ng suporta at pagpapaabot ng kanilang hinanaing ang ating mga kababayang OFW.

“Hindi naging hadlang sa ating mga kababayan na bumiyahe mula sa iba’t ibang lugar sa Europa at sa mga kalapit na kontinente, maipaabot lamang ang kanilang suporta at pag-asang maibabalik sa bansang Pilipinas ang ating dating Pangulo na si Rodrigo Roa Duterte.

“Pinaunlakan ko rin ng talumpati ang ating mga kababayan at masayang ibinalita na masigla ang dating Pangulo sa loob ng Detention Facility.
“Ipinapaabot namin ang aming mga pasasalamat sa Foreign Ministry ng Netherlands, Dutch Police, at sa mga kababayan nating walang sawa sa pagpapahayag ng kanilang suporta sa atin.
“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.
“Shukran.”