SUMUNOD sa The Hague, Netherlands si Bise Presidente Sara Duterte upang bigyan ng suporta at subukang bawiin ang ama sa kamay ng mga dayuhan.
Sa kaniyang Facebook page, nagpalit ng profile picture at cover photo si Bise Presidente Sara at inilagay ang larawan ng isang kulay pulang laso na may nakasulat na “BRING PRRD HOME.”
Nito ngang Myerkules lumipad na patungong Netherlands si VP Sara at nakatakda siyang makipagpulong sa ilang mga tao at bumisita sa kaniyang ama na kasalukuyang makakulong sa The Hague habang hinihintay ang kanyang pagdinig.
The Vice President is scheduled to attend a series of meetings today, 13 March 2025, while waiting for the time to visit [her] father, former President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ng OVP sa isang media advisory.
Bago ito, mariing kinondena ng pangalawang pangulo ang pagsuporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapaubaya nito na maisakatuparan ang pagkuha sa nakatatandang Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).
“Ang masasabi ko lang sa inyong lahat Pilipino kayo, huwag kayong papayag na isa kang Pilipino na ibigay sa dayuhan lalo na labag na sa batas yun,” pahayag ng nakababatang Duterte sa panayam ng mga mamamahayag sa labas ng Villamor Air Base.
“Actually para nang some sort of, what do you call it? State kidnapping? Parang ganyan na yung nangyayari eh,” dagdag pa niya.
“And all because mukhang matatalo sila sa midterms elections,” dugtong pa ng Pangalawang Pangulo.
Hindi pinayagang makapasok si VP Sara ng mga awtoridad sa loob ng Villamor Airbase kung saan dinala si dating Pangulong Duterte ng mga awtoridad at binasahan ng Miranda rights at ng reklamo.
Karapatang legal na sinasabi ng mga awtoridad sa isang suspek ang Miranda rights. Tinitiyak ng mga awtoridad na alam ng suspek na may karapatan syang hindi magsalita, at karapatang makakuha ng abogado.
Umalis patungong Dubai ang eroplanong lulan ang dating Pangulo dakong 11:03 ng gabi ng Martes at dumating ito sa Dubai nang 4:03 ng umaga sa Dubai o kabuuang siyam na oras na byahe, pagkatapos saka ito uli inilipad patungong The Hague.
Humiling agad ang anak nitong si Sara ng permiso na makalabas ng bansa at kinabukasan nga, Miyerkules sa Netherlands, dumating si VP Sara doon.
Sa isang pahayag na ipinadala nito sa isang kilalang pahayagan, sinabi ni VP Sara na pwersahan ang pagdala sa kanyang ama sa The Hague. “As I write this, he is being forcibly taken to The Hague tonight. This is not justice- this is oppression and persecution,” ani VP Sara.
Sa isang statement ng ICC prosecutor, nagpahayag ito ng pagtanggap sa pagkakaaresto at pagta-transfer ng “suspect” sa kanila.
“Mr Duterte has been arrested in the context of the Office’s ongoing investigation into the Situation in the Republic of the Philippines.
“On the basis of its independent and impartial investigations, the Office of the Prosecutor alleges that Mr Duterte, as founder and head of the Davao Death Squad, then Mayor of Davao City, and subsequently as the President of the Philippines, is criminally responsible for the crime against humanity of murder (article 7(1)(a) of the Rome Statute) committed in the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019. Mr Duterte is alleged to have commited these crimes as part of a widespread and systematic attack directed against the civilian population,” ayon sa pahayag.
Dagdag pa nito: may reasonable grounds upang paniwalaan na may “criminal responsibility” ang dating Pangulo sa mga nangyaring patayan.
Binigyang-diin din nito na may hurisdiksyon pa ang ICC sa mga naturang krimen dahil nangyari ang mga ito noong hindi pa kumakalas ang Pilipinas sa Rome Statute, ang founding treaty ng ICC.
“In the warrant of arrest it issued on 7 March 2025, Pre-Trial Chamber I determined that there are reasonable grounds to believe that Mr Duterte bears criminal responsibility for the crime against humanity of murder. The Chamber also noted that the case against Mr Duterte falls within the jurisdiction of the Court as the alleged crimes occurred during the period when the Philippines was a State Party to the Rome Statute, the ICC’s founding treaty,” ayon sa pahayag.
“The arrest of Mr Duterte is an important development in the Office’s pursuit of accountability in the Situation in the Republic of the Philippines for alleged crimes committed in the context of the so-called “war on drugs” campaign.
Ayon pa dito, naghahanda na ang ICC para sa unang pagharap at pagdinig ng kaso.
Pinasalamatan din nito ang mga biktima, survivor, witness at aktibista na nakipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC. “Those who wish to further cooperate or who have relevant information are encouraged to do so via the Office’s Witness Appeal portal,” saad pa nito.
Sa pahayag naman ng dating Pangulo, sinabi nitong magiging matagal na proseso ang mangyayaring paglilitis.