SASAILALIM ng booking procedure si dating Pangulong Duterte sa Camp Crame headquarters ng Philippine National Police, pagkatapos ng kanyang pagkaaresto sa Ninoy Aquino International Airport ngayong Araw ng Martes.

Ayon sa isang police source, ang arrest warrant ay ibinigay kay Anthony Alcantara, special envoy on Transnational Crime sa ilalim ng Office of the President.
Habang ibinibigay ang warrant kay Duterte, narinig na nag sabi siya ng “you will just have to kill me.”
Subalit, sumama naman siya sa mga enforcer ng matiwasay.
Dumating si Duterte sa Maynila mula sa kanyang speaking engagement sa Hong Kong ngayong Martes lulan ng Cathay Pacific flight CX907.
Nahaharap si Duterte sa kasong kriminal dahil ng kanyang laban sa droga, ang kanyang pangunahing polisiya na nagluklok sa kanya sa kapangyarihan noong 2016.
Sinalubong siya ng mga pangunahing opisyal mula sa Department of Justice, and Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na nasa arrival Gate 116 ng NAIA Terminal 3.
Sinamahan si Duterte ng mga pulis sa kabilang terminal habang isinisigaw ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang pangalan nangndumating sina Philip Salvador at Sen. Bong Go, and dating Labor Secretary Silvestre Bello.
Interpol Red Notice
Umugong ang balitang nag-isyu na ng red notice ang International Criminal Police Organization (Interpol).
Ang red notice ay isang kahilingan mula sa Interpol upang ipatupad ang isang arrest warrant na ipinalabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte. Samantala, ang ICC ay nag-iimbestiga sa mga krimen laban sa sangkatauhan na allegedly isinagawa ni Duterte sa ilalim ng kanyang kampanya laban sa droga.
7,000 mga pulls
Batay sa ulat, hindi bababa sa 7,000 na mga pulis ang itinalaga upang tiyakin ang pagdakip kay Duterte, pati na rin ang pagpapatupad ng mga security measures sa mga pangunahing daungan tulad ng mga paliparan at pantalan.
Bagamat ito ay isang pambansang operasyon, ang pangunahing pokus ng mga operasyon ay sa Metro Manila at Davao, ang kanyang home province. Ayon sa mga source, ang bilang ng mga pulis na ide-deploy ay doble sa mga pulis na ipinadala noong nakaraang taon sa manhunt para kay Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon sa isang mataas na ranggong opisyal ng PNP na hindi pinangalanan, ang mga hakbang ng PNP ay bahagi ng pagsisiguro na matutugunan ang mga legal na obligasyon na may kaugnayan sa Interpol notice.
“We are taking all necessary security precautions to ensure public safety and to uphold any legal obligations that may arise from the Interpol notice,” pahayag ng nasabing opisyal.
Ano ang red notice at bakit mahalaga ang pagkakaroon nito?
Ang red notice ng Interpol ay isang formal na kahilingan sa mga law enforcement agencies ng iba’t ibang bansa upang magpatupad ng arrest warrant.
Sa kasong ito, ang warrant ay inilabas ng ICC, isang korte na tumututok sa mga kasong may kinalaman sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Ayon sa ICC, tinutukan nila ang mga alegasyon ng extrajudicial killings na naganap sa ilalim ng kampanya ni Duterte laban sa droga mula 2016 hanggang 2022.
Nagsimula ang imbestigasyon noong Setyembre 2021, at bagamat nag-withdraw ang Pilipinas mula sa ICC noong 2019, patuloy na may hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap bago ang withdrawal ng bansa.
Pag-alis ni Duterte patungong Hong Kong
Noong nakaraang linggo, iniulat na si Duterte ay lumipad patungong Hong Kong kasama ang kanyang asawa, si Honeylet Avanceña, at ang kanilang anak na si Victoria.
Kasama nila sa biyahe ang ilang mga dating opisyal ng kanyang administrasyon tulad nina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating PNP Intelligence Director Nelson Quinsay, at si Alex Paul Monteagudo, dating director-general ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ang biyahe ni Duterte patungong Hong Kong ay nagbigay daan sa mga haka-haka na baka ito ay isang hakbang upang umiwas sa posibleng pagdakip ng ICC.
Ayon sa dating legal counsel ni Duterte na si Salvador Panelo, ang biyahe ni Duterte ay isang planadong hakbang na wala umanong kinalaman sa mga kaso laban sa kanya.
“He has nothing to hide. This trip has long been planned, and it has nothing to do with the ICC or any supposed warrant,” pahayag ni Panelo. Sinabi pa ni Panelo na si Duterte ay dumaan lamang sa Hong Kong upang magpasalamat sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at dumalo sa isang thanksgiving event sa Southorn Stadium sa Wan Chai noong Marso 9, 2025.
Ang pahayag ni Duterte sa Southorn Stadium
Habang nasa Hong Kong, nagbigay si Duterte ng isang matapang na talumpati sa harap ng mga OFWs. Binanggit niya ang mga ulat na nagsasabing ang ICC ay maglalabas ng arrest warrant laban sa kanya at iginiit niyang handa siyang tanggapin ang lahat ng posibleng mangyari.
“What was my sin? I did everything in my time so Filipinos can have a little peace and tranquility,” pahayag ni Duterte. Inamin din ni Duterte na kung ito man ang magiging kapalaran niya, tatanggapin niya ito. “If this is my fate in life, it’s OK, I’ll accept it,” dagdag pa ni Duterte.
Pabiro rin niyang sinabi sa mga OFWs na magbigay ng mga kontribusyon para sa paggawa ng kanyang monumento, at sinabi niyang ito ay dapat magpakita sa kanya na hawak ang isang baril.
“Make small contributions for the construction of my monument… it should show me holding a gun,” sinabi pa ni Duterte sa kanyang mga tagasuporta.
Palasyo: Ang pagdedeklara ng monumento ay hindi dapat galing kay Duterte
Matapos ang mga pahayag ni Duterte tungkol sa pagkakaroon ng monumento, nagbigay ng pahayag si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.
Ayon kay Castro, hindi ang dating pangulo ang dapat magdesisyon kung siya ay karapat-dapat magkaroon ng monumento. “Siguro po ang pagdedeklara ng isang tao na hero ay dapat hindi po siya ang nagsasabi noon – taumbayan ang magsasabi kung siya ay naging hero at pagawaan siya ng monumento,” aniya.
Sinabi ni Castro na hindi dapat ang isang tao ang magdesisyon na siya ay isang bayani. Ang taumbayan o mamamayan ang may karapatang magtakda nito.
Sinabi rin ni Castro na hindi katanggap-tanggap ang pahayag ni Duterte na wala siyang kasalanan at ang mga hakbang na ginawa niya sa kanyang kampanya laban sa droga ay para lamang sa kapakanan ng bansa.
Ayon kay Castro, inamin ni Duterte sa isang Congressional hearing na inutusan niya ang mga pulis na hikayatin ang mga suspek na lumaban upang gawing depensa ang self-defense kung sakaling mangyari ito.
“He admitted that he ordered police officers to encourage the suspect to fight – for what? What’s the purpose of that?” tanong ni Castro. “We have to give the suspect/any accused the right for this due process – hindi tayo dapat laging cut the process,” dagdag pa niya.
“We have to see if all the documents, supporting documents, are ready, and that the Interpol request is a valid request. And that is the only time that it will be given due course,” ani Clavano. Lea Manto-Beltran at Reyward Mata
- Advertisement -