26.1 C
Manila
Linggo, Marso 9, 2025

Ma-ARTE ka ba?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, grabe yung napuntahan kong bahay ng aking boss.

Bakit, Juan?

Naku, parang museum ang bahay. Ang daming mga paintings na nakasabit.

Talaga? Sigurado ako may mga Masters na koleksyon yan.

Masters? Anong ibig sabihin nun, Uncle?


Yung mga Masters ay iyong mga katulad nina Amorsolo, HR Ocampo, Joya at iba pa na sadyang dalubhasa sa kanilang larangan at naparangalan na ng iba’t ibang award dito sa ating bansa at sa ibang bahagi ng buong mundo.

Maraming nagtatanong sa akin kung magandang investment ba ang art?  O kung may kikitain ba sa pagbili ng art katulad ng paintings?

Ang pagbili ng art ay kadalasang tatlo ang layunin. May bumibili ng art para sa passion at kaligayahan na madudulot sa mata, pag-iisip at pakiramdam. Yung iba naman bumibili ng art para magkaroon ng profit o kita pag binenta ito sa tamang panahon. At meron din naman para sa passion at profit ang motibasyon sa pagbili ng art.

Nagsimula akong mangolekta ng paintings mga tatlong dekada na ang nakakaraan. Simple lang ang criteria ko sa pagbili. Hindi mahalaga kung may pangalan o wala ang artist na lumikha. Wala rin akong konsiderasyon sa kung anong puede kong ROI o return on investment kung sakaling ibenta ko ang mga ito paglipas ng ilang taon, lalo na kung ako ay nangailangan ng pera. Ang mahalaga sa akin ay kung makakapagbigay ang aking koleksyon ng ngiti sa aking mga mata at kung nakakapawi ng pagod sa tuwing titingnan ko sila.

- Advertisement -

Sa nakaraang Art Fair 2025 na ginawa sa Ayala Triangle, nakakaaliw ang mga exhibit na paintings na sari-sari ang tema. Nakihalubilo ang mga artists sa mga taong nakaka-appreciate ng kanilang mga likha. At yung iba nga’y minarkahan na ng “sold” ang ibang bahagi ng koleksyon para sa taong ito.

Hindi mura ang pagbili ng art. Sa panahon ngayon, kahit hindi kilalang artist ay may presyo na rin kasi nagmahal na din talaga ang mga gamit sa pagbuo ng isang pinta.

At kung isa ka talagang art investor na hinahalintulad ang pagbili ng painting o artwork na parang real estate na may ekspektasyon na tataas ang value pagkatapos ng ilang taon, ano nga ba ang dapat na bigyan ng halaga sa pagbili ng art?

Sa mga desisyon tungkol sa pagbili ng painting o kahit anong artwork, gawin mo itong apat na steps o tawagin nating ARTE:

A- no ba ang goals mo sa pagbili? Kung Ito ay para sa passion lang at walang financial targets, iba ang magiging strategy mo kumpara sa kung negosyo o profit ang gustong makuha.

R- esearch mo ang merkado. Lalo na kung nagsisimula ka pa lang na mangolekta, magandang alamin kung paano ba nagkakaroon ng value ang art- sa reputasyon ng artist, ang pinagmulan ng piyesa, ang rarity ng art o ang kondisyon ng artwork. Mas magandang magsimula sa maliit muna na pangalan ng artist habang naghahanda ka pa sa mas malalaking pangalan na mas mahal ang halaga ng kanilang mga likha.

- Advertisement -

T- ingnan ang art na isang long-term investment. Kailangan ng pasensya kasi nagbabago ang market trends at nagflufluctuate o gumagalaw din ang presyo o value kaya puedeng mangyari na matagal pa bago mo makuha ang kabuuang potensyal sa value ng art piece.

E-kspert advice ang kailangan para matulungan ka sa komplexidad ng art world. Ang mga galleries o auction houses ay puedeng makatulong. Puede ka ring komunsukta sa mga financial advisors para maintindihan mo rin kung paano magdiversify o ibalanse ang mga investments mo sa financial, real estate o art assets. Dapat alam mo din ang mga insurance, storage at maintenance expenses para sa mga artwork o paintings.

Ang art ay hindi lang talagang simpleng kaartehan ika nga. Puede rin syang magkaroon ng financial rewards kung tama ang stratehiya at timing ng pagbili. Pero kailangan ng research, planning at guidance ng mga eksperto. Sa kinalaunan, sumaya ka na sa koleksyon mo, may long-term investment ka pa.

O, Juan, ma-ARTE ka ba?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -