27.8 C
Manila
Martes, Marso 4, 2025

Ano ang maitutulong ng Cebu Action Plan sa bayan at mga mamamayan?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang Cebu Action Plan? Sino ang nag-aproba sa planong ito? Ano ang maitutulong nito sa bayan at mga mamamayan?

Ang Cebu Action Plan (CAP) ay isang  plano na inaprobahan ng mga  finance ministers ng 20 miyembrong ekonomiya ng Asia-Pacific Community (APEC) noong 2015 nang ang Pilipinas ang host country ng APEC. Ito ay isang balangkas ng mga gagawin para paigtingin ang integration, transparency at resiliency ng mga financial systems ng mga miyembrong bansa. Ang bisyon ng APEC ay pagtugmain ang mga palisiya, rules at practices na magpapagana at magpapadali ng:

  1. Pag-usad ng malayang pangangalakal at pagdaloy ng cross-border investments;
  2. Pagpapaluwag ng access sa financial services ng mga tahanang salat ang kita, mga maliliit na negosyo na tinatawag na micro-, small at medium enterprises (MSMEs), at ang mga unbanked o walang ipon at utang sa bangko;
  3. Mahusay na pamamahala na magreresulta sa sustainable at inclusive economic growth;
  4. Mapababa ang panganib dahil sa climate change at iba pang sakuna;
  5. Magpalago ang mga financial markets na mag-alok at magtinda ng iba’t ibang porma at klase ng financial instruments; at
  6. Magtayo ng sapat na imprastruktura para sa patuloy na pag-unlad.

Para matamo ang mga bisyon na ito, kailangang maitayo ang apat na haligi ang CAP.  Ang mga ito ay: (i) pagsasakatuparan sa financial integration; (ii) pagpapabilis sa financial transparency at policy reform; (iii) pagpapalakas ng financial resiliency; at (iv) pag-arangkada ng pagtayo na imprastruktura at disenyo ng financing para dito.

Para matamo ang financial integration, kailangang tanggalin o bawasan ang mga restrictions sa kalakalan at negosyo. Malaki ang naitutulong ng  paglago ng kalakalan at negosyo sa pagsulong ng sustained at equitable na paglago ng ekonomiya. Ang malayang kalakalan ang nagpapalakas ng competitiveness, nagpapalago ng merkado, nagpapababa ng gastos at presyo, at nagtatalaga ng pundasyon ng tuloy-tuloy na pag-unlad.

Ang investments naman ang nagpapalago ng kapasidad na lumikha ng mga produkto at serbisyo, naglilikha ng trabaho, at nagpaparami ng kalakal.


Ang financial integration ay ang pagkakabit ng mga tahanan na salat ang kita at maliliit na negosyo sa mainstream ng ekonomiya. Naglilikha ito ng supply chain financing para maikabit sila sa regional at pandaigdigang supply chain. Ngunit kailangang mareporma ang mga batas at regulasyon para makapasok ang  foreign investment at makadaloy ang kalakal.

Ang mga deliverables sa haliging ito ay:

  • Financial inclusion at literacy programs na sumasaklaw sa lahat ng stakeholders — mga  providers, kliyente, policymakers, regulators, at ang
  • Pagtatayo ng mga institusyon na magtaguyod ng credit gaya ng mga credit information bureau (CIB), movable collateral registry at financial institution bureau.

Malaki ang naitutulong ng CIB sa pagbaba ng gastos sa pagsagawa ng credit investigation. Kapag nakikita ng mga bangko, kooperatiba at iba pang institusyong nagbibigay ng credit ang mga record sa pagbabayad ng mga MSMEs, magkakaroon sila ng kumpiyansa na magbigay ng pautang.

Sa kasalukuyan, may pitong CIBs sa Pilipinas; 2 lokal at 5 dayuhan. Ang isa sa mga lokal na CIB ay ang Credit Information Corp. (CIC) na itinayo noong 2016 sa ilalim ng SEC at  ang ikalawa ay ang Credit Information Bureau, Inc. (CIBI) na dating nasa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngunit ngayon ay naisa-pribado na. Lima sa mga CIBs ay dayuhan; ang mga itoý ang   Compuscan of South Africa, Dun and Bradstreet (US), Crif (Italy), TransUnion Philippines (local office of US firm) at Credit Bureau Singapore.

- Advertisement -

Itinayo ang movable collateral registry ng Pili[pinas sa Land Registration Authority (LRA) noong 2020 na ang pangalan ay Personal Property Security Registry. Dahil mayroon na silang computerized registry para sa lupa noong mapasa ang Personal Property Security Law noong 2018,  ibinigay sa LRA ang trabaho dahil para sa kanila, hindi na mahirap na palakihin ang coverage nito  para maisama ang movables na gamiting prenda sa pautang. May 11 na porma ng security interest na maaaring irehistro; ang mga ito ay agricultural products, consumer goods, accounts receivables, fixtures, inventory, equipment, intellectual property, investment property, chattel paper, rights arising from contracts, at proceeds ng sale and disposition of collateral.

Ang ikalawang haligi ay ang pagtatayo ng fiscal transparency at reporma.

Sa fiscal transparency, nasusundan at nababawasan ng mga pamahalaan at mamamayan ang tax leakages at masusundan nila ang mga gastusin ng pamahalaan. Para maisakatuparan ito, kailangang maipahayag sa nakatakdang panahon ang mga datos ng fiscal activities sa lahat ng lebel ng pamahalaan. Kailangan ding maitalaga ang investor ID systems para mabawasan ang gastos sa pagsunod sa mga batas ng buwis at maparami ang cross-border na transaksiyon. Ang fiscal reforms na kailangang ipatupad ay:

  1. Pagpa-igi sa kalidad at proseso ng paggasta sa imprastruktura;
  2. Pagpataas ng public investment para mapalago ang pribadong investment na maglilikha ng trabaho.                                                                                                          Ang mga deliverables sa haliging ito ay pagpapalitan ng datos, impormasyon at pag-aaral tungkol sa:Fiscal Transparency at Policy Reform; Open data initiative; Taxpayer Information Number (TIN) systems; Exchange of Information (EoI), Automatic EoI, at Base Erosion Profit Shifting (BEPS); at Pagtatayo ng training program sa Asia Pacific na kapareho ng ginagawa sa OECD International Academy for Tax Crime Investigation; Pagpapalaganap ng APEC Revenue Statistics; Paggawa ng manual of best practices sa Tax Planning sa APEC Economies at ang pagpalaganap nito; Pagpalaganap ng compendium ng BEPS cases sa APEC economies at kung paano mga ito na-resolba.

Ang ikatlong haligi ay ang pagpapalakas ng financial resiliency.  Kailangang maging handa ang mga pamahalaan sa pag-mitigate ng mga sakuna at financial shocks, at palakasin ang kakayahang isali ang pribadong sector sa mga gawaing ito.  Kailangan ding lumikha sa mga capital markets ng Asia-Pacific ng mga facilities para mailipat ang peligro sa mga institusyong maaaring tumanggap dito.

Ang mga deliverables na inaasahan dito ay:

(i) Ang pagpalaganap at pagtaguyod ng  financial buffer frameworks sa tulong  ng  International Monetary Fund (IMF) tungkol sa   disaster risk exposure models and disaster risk insurance facilities para sa mga miembro ng APEC; at (ii) Ang paglikha ng  microinsurance products para sa  agrikultura at iba pang sector na nahaharap sa peligro ng mga sakuna.

- Advertisement -

Marami sa mga unbanked ay walang insurance protection. Kailangan ng listahan ng mga insurance products na maaaring maging gabay ng mga providers, regulators at iba pang stakeholders sa pagdisenyo ng mga produkto na magbibigay ng proteksyon. Kailangan ding maghanda ng OECD Survey Report ng disaster risk financing practices at challenges at gumawa ng katalogo ng mga approaches sa pagkolekta at pagsukat ng kalugihan dahil sa sakuna. Kailangan ding ma-assess ang contingent liability public finance frameworks  sa mga OECD at APEC economies lalo na ang mga miembro na palaging tinatamaan ng mga sakuna.

Simula nang mailunsad ang microinsurance program noong 2010, may 57.75 milyong tao sa Pilipinas ay may coverage ng microinsurance, 52.1% sa buong sambayanan. Ito ang pinakamataas na bahagdan na coverage sa buong populasyon ng mga emerging economies. Malaking improvement ito mula sa 0.62 milyon noong 2011.

Ang ikaapat na haligi ay tungkol sa:

  • Paggamit nang lubusan sa PPP modality ng infrastructure development and financing;
  • Paglipat ng savings from developed APEC economies and institutional investors para sa infrastructure requirements ng mga bansa; at
  • Maagang aksyon sa infrastructure requirements sa Asia-Pacific dahil sa  paglawak ng urbanization at tumitinding trade linkages.

Ang mga  inisiyatibo at deliverables na inaasahan dito ay ang:

* Pagtatayo ng PPP Knowledge Portal na magiging repository ng kaalaman sa mga isyu at suliranin tungkol sa PPP at kung paano ito naayos.

* Paglikha ng  online repository ng PPP infrastructure projects kasama ng policy, legal and regulatory framework, tender process at sample contracts para mapabilis ang daloy ng kaalaman tungkol sa PPPs. Ang portal ay dapat may compilation ng PPP infrastructure projects na ginagawa ng APEC economies kasama ang assessment ng respective success at failure rates at  ang mga  dahilan ng success at failure. Ang portal ay dapat magkaroon ng listahan ng private firms, managers, consultants at experts na kasama sa PPP infrastructure projects.  Ang  knowledge portal ay magsisilbing  “online one-stop-shop” para sa pagsagawa ng PPP infrastructure projects. Dahil dito, mapabibilis ang pagdisenyo ng PPP infrastructure projects at makapag-engganyo sa public at private sector na mag-invest sa imprastruktura .

* Paggawa  ng Manual ng Best Practices sa PPP;

* Standardisasyon ng PPP Terms and Practices na gawing transparent ang pag-structure PPP deals at mabawasan ang probability ng future disputes at para umakyat ang private sector interest sa mag PPP projects.

*  Mga pag-aaral na isinasagawa ng multilateral financial     institutions (MFIs) tungkol sa long-term investment, urban development at regional connectivity na maaaring makatulong sa pagtatayo ng mga proyekto.

* Pag-update sa  OECD Policy Framework for Investment (PFI) para matulungan ang mga policymakers sa pag-assess sa investment environment at pag-implementa ng reforms para mahikayat ang private finance sa key sectors gaya ng imprastruktura.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -