25.9 C
Manila
Lunes, Marso 3, 2025

PBBM pinaimbestigahan ang bumagsak na tulay sa Isabela

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagguho ng Sta. Maria-Cabagan Bridge sa Bayan ng Sta. Maria, Isabela noong Huwebes ng gabi, Feb. 27.

Ang proyektong nagkakahalagang P1.2 bilyon ay nasimulan noong November 2014 at natapos nitong February 1, 2025.

Sa programang Prangkahan Na! ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na pinatutukan na raw ng Punong Ehekutibo ang insidenteng ito.

Kabilang sa nais malaman ng Pangulo ay kung may bahid ng korapsyon ang proyekto at kung substandard na materyales ang ginamit sa naturang tulay.

Iginiit din ni Usec. Castro na pananagutin ang sinumang mapapatunayang may kakulangan upang matiyak na matibay ang tulay.

Ayon sa mga awtoridad, dalawang buwan pa lamang nang matapos isailalim sa retrofitting ang nasabing tulay at tanging mga maliliit na sasakyan lamang ang pinapayagang dumaan dito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -