25.8 C
Manila
Lunes, Pebrero 24, 2025

Pahayag ni Sen Villanueva sa pagkakatanggal ng Pilipinas sa FATF grey list

- Advertisement -
- Advertisement -

WELCOME development po ang pagkawala ng Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF) na magdadala ng benepisyong pampinansyal at pang-ekonomiya sa ating bansa.

Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa kanilang matibay na hakbang upang labanan ang terrorism financing at money laundering, pati na rin ang pagpapatigil sa mga POGO na ginamit sa iba’t-ibang krimen.

Magandang balita rin po ito para sa ating mga bagong bayani, ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), dahil mapapadali nito ang pagpapadala ng remittance at pagbaba ng mga transaction fees.

Nagpapasalamat rin po tayo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kanilang pagtugon sa ating panawagan sa budget deliberations noong nakaraang taon upang mahigpit na bantayan ang mga bilyon-pisong transaksyon na naging dahilan ng pagkakasama ng bansa sa grey list sa nakalipas na tatlong taon.

Ang mga isyung may kaugnayan sa POGO ay lubos na nakakaapekto sa reputasyon ng bansa, at ang permanenteng pag-ban nito ay nakatulong sa positibong balitang ito.

Hinihikayat po natin ang pamahalaan at ang pribadong sektor na ipagpatuloy ang pagsisikap tungo sa mas matatag na ekonomiya at isang mapagkakatiwalaang financial position sa mga darating na taon.

Sa isang mas malakas, maaasahan, at transparent na financial system, mas handa na tayo upang makahikayat ng mas maraming foreign investments, makalikha ng maraming trabaho, at mapalakas ang paglago ng ekonomiya.

Previous article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -