25.4 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 19, 2025

Imee: Kulang na suporta sa DOLE, peligro sa manggagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

LABIS na ikinabahala ni Senator Imee Marcos ang ulat ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) na umabot na sa 24 na mga manggagawa ang nasawi sa kanilang pagganap ng kanilang trabaho nitong Enero 2025. Aniya, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang ganitong mga trahedya–dapat tiyakin na ligtas ang bawat manggagawa sa mga pagawaan.

 

Matatandaang noong Disyembre 2023, pinangunahan ni Marcos ang pagratipika ng International Labour Organization (ILO) Convention No. 81, na kilala bilang Labour Inspection Convention, sa Senado. Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang sistema ng inspeksyon sa mga pagawaan upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho.

Kinikilala ni Senator Marcos ang kakulangan sa pondo at tauhan ng DOLE, kaya nanawagan siya sa pamahalaan na bigyang-priyoridad ang paglalaan ng sapat na suporta upang mapabuti ang workplace safety programs.

“Kung sana matino at hindi saksakan ng korap ang General Appropriations Act (GAA) 2025, nadagdagan ang DOLE inspectors, natulungan ang mga may-ari na isaayos ang kanilang pabrika, at napagamot ang mga trabahador na naaksidente, baka naiwasan natin ang ganitong trahedya,” ayon kay Marcos.

Dagdag pa ni Senator Marcos, “Kailangang tiyakin na may ngipin ang ating batas upang protektahan ang buhay ng ating mga manggagawa. Mahalaga ang ating mga manggagawa sa pag-unlad ng ating bansa. Hindi sila dapat ituring na disposable.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -