BINIGYAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng direktiba ang mga kaugnay na ahensya na siguruhin ang mabilis na implementasyon ng mga proyektong pangkaunlaran sa Western Visayas.
![](https://www.pinoyperyodiko.com/wp-content/uploads/2025/02/477711426_1038448094974583_3214136267428885941_n-1024x686.jpg)
Sa pagpapatuloy ng on-ground Regional Development Council (RDC) meetings ni PBBM, tinalakay ng Pangulo at ng RDC VI sa Iloilo City ang mga proyekto tulad ng Jalaur River Multipurpose Project Stage II at Panay-Guimaras-Negros Bridges. Pinag-usapan din ang mga pangangailangan ng rehiyon pagdating sa agrikultura, edukasyon, enerhiya, tubig, turismo, at flood mitigation.