Ikalawang bahagi
UNCLE, balikan natin ang isyu ng pamana. Dapat bang pamanahan ang mga anak?
Juan, ibaโt iba ang paniniwala tungkol dyan.
Ang ibang magulang ay talagang pinaghahandaan at pinagplaplanuhan ang pagpapamana. May kinukonsulta na lawyer, gumagawa ng estate plan, pumipirma ng Will, at sinasaad na ang anak na magmamamana at ano ang mamanahin.
Ang iba naman ay hindi naniniwala sa konsepto ng pagpapamana at kung may mga pera man o ari-arian, inuubos na ito o binebenta habang buhay pa at kung may natira pa, yun na lang ang puedeng paghatian ng mga anak.
Iba-iba din ang dahilan kung bakit nagpapamana o hindi sa mga anak.
Una, may mga anak na financially independent na at maaring hindi sila nangangailangan. Kaya may mga nagpapamana sa mga foundations o charitable institutions na may higit na kailangan ng tulong. O di kayaโy sa mga anak lang na may problema sa kalusugan o sa pamumuhay na kailangang suportahan.
Pangalawa, mahirap magpamana sa mga anak na alam mong hindi ito gagamiting mabuti o pagyayamanin para lumago pa ito. Maaring takot ang magulang, base sa karanasan, na lulustayin lang ang iiwanan at mas maigi pang ipamigay ito sa siguradong gagamit nito sa tamang pamamaraan.
Pangatlo, naniniwala ang magulang sa konsepto ng blessing ang pagpapamana at minabuting ibahagi ang maiiwan nito bilang blessing sa mga anak.
Pang-apat, dahil pinagtibay na ng edukasyon na binigay sa mga anak ang kanilang potensyal para umasenso at maging successful, may naniniwalang mas magandang paghirapan nila ang kanilang kayamanan kesa ibigay lang ito sa silver platter. Windfall na ang dapat ituring sa pamana ng mga anak na nabiyayaan ng magandang edukasyon at values ng hard work, patience at wisdom para iangat ang financial na pamumuhay nila.
Pang-lima, paano naman ang self-care ng mga magulang na hindi umaasa o talagang walang aasahan sa mga anak ng kahit anong tulong? Kung may ipon ka at properties, bakit nga naman hindi gamitin sa sariling pakinabang habang buhay pa. Walang nakakaalam kung hanggang kelan tayo mabubuhay. Enjoyin lang ang pinaghirapan habang humihinga pa.
Pang-anim, tama bang umasa ang mga anak sa pamana? May naniniwalang hindi tama at dapat gumawa ng tama ang mga anak sa pagbuo ng magandang kinabukasan nila.
Dito pumapasok na dapat mabuti ang pagpapalaki sa mga anak at siguraduhing natutunan at nagamit nila ang values ng financial independence, industry at focus sa paghahanapbuhay.
Pampito, kung ikaw ay ampon at minahal mo talaga ang magulang na umampon sa iyo, magpasalamat ka kung pinamanahan ka. Naniniwala ang nag-ampon sa iyo na mahalaga ang naging presensiya mo sa kanilang buhay. Sila lang ang makakapagpatunay nito at hindi ibang tao. May mga situwasyon kasi na may mga intrigang nangyayari sa ibang miyembro ng pamilya dahil sa kanilang palagay, hindi nila nagustuhan ang pagtrato ng ampon sa mga nagpamana sa kanya o nagseselos o naiinggit sila sa kapalaran na natamo ngย ampon. Mahalaga ang komunikasyon at pakikitungo ng mabuti sa mga kaanak na naiwan.
At pang-walo, dapat bang husgahan kung anong klaseng magulang ka kung hindi ka nagpamana lalo na kung meron naman talagang puwedeng ipamahagi? Ang natural na sinasabi ay kung gaano kabait at maka-Diyos ang magulang na iniisip ang mga anak na maiiwan kahit pa kung may hindi magandang pag-uugali ang anak. Sa isang banda, ย dapat bang magpaliwang ang magulang kung paano nโya iiwanan ang kanyang pinagpawisan at pinagpaguran?
Sa akin lang, ito ang aking panuntunan, bilang magulang, tungkol dyan:
- Maging generous ka na habang buhay ka pa. At hindi sa kamatayan mo, pag-aawayan ang iyong maiiwan.
- Kung magpapamana, magkaroon talaga ng estate plan at Will para wala ng pinag-uusapan ang mga maiiwan.
- Siguraduhing may pambayad ng estate tax o mag pagkukuhanan ng pondo para sa ipapamana para hindi na problemahin pa ng maiiwan.
- Kung gusto mong ipangalan na ang mga ari-arian sa mga anak bago ka pumanaw, siguraduhing may pagkukuhanan ka ng pondo kung ikaw ay nagkasakit o incapacitated. Ito yung โ self-loveโ na sinasabi na unahin mo ang iyong sarili at huwag gawing miserable ang sarili habang tumatanda.
- Turuan ang mga anak ng mga tamang values tungkol sa pera at kayamanan. Yan ang totoong pamana. Para pagdating ng panahon, handa ang mga anak na pangalagaan ang naiiwang materyal na pamana.
- Sa mga anak, magtrabaho ng mabuti at gamitin ng mahusay ang binigay na kapasidad at talento para umasenso. Mas maganda ang magkaroon kayo ng sarili ninyong tatak. Hindi iyong mabansagan na kaya lang umigi ang buhay ay dahil lang sa pinamana. Hindi yan masama kung gagamitin itong biyayang natamo sa tama at pagyayabungin pa sa ngalan ng mga nagpamana.
- Sa mga napamanahan ng salapi o ari-arian at hindi alam ang gagawin, kumonsulta sa eksperto para magawan ng magandang financial plan at magbigay ito ng mas marami pang biyaya sa inyo.
- Kung ang mga anak ay mag-aaway sa pamana, mahiya naman kayo. Pinaghirapan yan ng mga ninuno nโyo. Wala kayong inambag dyan. Isa lang ang hiling nila โ na ang biyayang iyan ang maging dahilan ng pagbubuklod at hindi pagwatak-watak, kooperasyon at hindi kanya-kanya, at komunikasyon at hindi panlalamang at panloloko para makakuha pa ng higit kesa sa iba.
O, Juan, malayo ka pa naman dun. Magsikap at magtrabaho ng tama at ang biyayang pinagdarasal ay darating din.