26.8 C
Manila
Huwebes, Pebrero 13, 2025

๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญย ๐Ÿ”,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽย ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐žรฑ๐จ,ย n๐š๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐งย ๐ง๐ ย s๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จย ๐ง๐ ย ๐๐‚๐”๐ย ๐๐๐Œย ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐ง

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY na nagtapos ang โ€œPCUP Bayanihan para sa Bawat Maralita (PBBM) Caravan: Tuluy-tuloy na Serbisyo, para sa Maralitang Pilipinoโ€, na ginanap noong Enero 31, 2025, sa Cultural Center Stadium ng Padre Garcia, Batangas.

Mahigit 6,000 ang naitala na benepisyaryo ang nakatanggap ng serbisyo mula sa pamahalaan, lagpas sa 5,000 na inaasahan ng Komisyon. Naging posible ang aktibidad na ito sa tulong ng mahigit 400 ahensya ng gobyerno, NGOs, at pribadong institusyon na nagpa-abot ng libreng medical at dental consultation, eye check-up, wellness programs, job fair, livelihood orientations, legal consultations, at marami pang iba.

Binigyang-diin ni PCUP Chairperson at CEO Meynardo Sabili na ang diwa ng Bayanihan at matibay na pakikiisa ng mga katuwang na ahensya ang naging susi sa tagumpay ng PBBM Caravan. โ€œLubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Sama-sama nating naihatid ang tulong at serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan,โ€ ani Sabili.

Dagdag pa ni Sabili, โ€œNagpapasalamat din [ho] tayo sa Field Operations Division ng National Capital Region at Luzon, na nagsilbing backbone ng aktibidad na ito. Sa kanilang dedikasyon, naisakatuparan natin ang mithiin ng Komisyon na palawigin ang mga programa at serbisyo ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito [ho] ay pauna pa lamang, asahan [ga] ninyo na magkakaroon pa tayo ng susunod na serbisyo caravan.โ€

Sa pagtatapos ng programa, isa sa mga tampok na bahagi ng kaganapan ay ang pag-anunsyo ni PCUP Chairperson at CEO Meynardo Sabili ng mga nakatakdang proyekto ng Komisyon. Kabilang dito ang pagsasagawa ng bagong PCUP satellite office sa Camarines Sur, na naglalayong mapalapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga maralitang Pilipino sa rehiyon upang mas mabilis nilang matanggap ang kinakailangang tulong at suporta.

Patuloy na tinutupad ng PCUP ang mandato nitong maging tulay sa pagitan ng maralitang tagalungsod at pamahalaan, habang isinusulong ang mga hakbang para sa inklusibong pag-unlad at mas maayos na kinabukasan para sa lahat.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -