26 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 12, 2025

Gabay sa mga gustong magturo sa kolehiyo

PAGBUBUO(D)

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSISIMULA ang propesyon ng pagtuturo sa dakilang hangaring maging bahagi ng larangan. Ang unang hakbang tungo sa layuning ito ay ang aplikasyon.  Bilang lunsaran, napakahalaga na ito ay mapagplanuhan at mapaghandaan mabuti.  Ang sumusunod ay mga gabay at paalala sa mga aplikante sa propesyon ng pagtuturo. Nakakonteksto ang mga tagubilin sa mga gustong magturo sa kolehiyo pero may mga bahagi na maaari ring tumukoy sa ibang antas ng edukasyon.

  • Sumubaybay sa mga call for application ng mga kolehiyo at pamantasan. Karaniwan itong makikita online. Maaari ring magtanong sa mga kakilalang insider kung may bakante sa kani-kanilang departamento.
  • Magpadala ng letter of application kasama ang iba pang hinihinging dokumento. Kumpletuhin at tipunin ang mga rekisito. Makabubuti na may mga sobrang kopya para mas marami ang mapagpasahan kung nanaisin.
  • Pag-isipan at pagdesisyonan mabuti kung saang mga pamantasan magpapadala ng aplikasyon batay sa iyong pamantayan at alalahanin. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mahahalagang konsiderasyon: layo/lapit, sahod, pamunuan, learning environment, academic freedom at iba pa.
  • Ikonsidera rin kung sa pampubliko o pampribadong pamantasan nais magpasa ng aplikasyon. Alamin ang bentahe at disbentahe ng bawat isa. Mahalaga rin na malinaw ang short-term, medium-term at long-term goals mo bilang propesyonal.  Konsiderasyon din ito ng panelista sa pagpili ng aplikante.
  • Alamin din kung ang bakanteng posisyon ay tenure o non-tenure track. Linawin din kung ito ay permanenteng posisyon o substitute lamang.
  • Isaad nang malinaw sa curriculum vitae ang iyong educational qualification, teaching experience, research publication, speaking engagement at kaugnay na mga kasanayan (skill) at pagsasanay (training). Napakahalaga ng mga ito bilang batayan ng pagpili ng mga kinauukulan. May criteria na sinusunod ang panel kaya mahalagang maitampok mo ang iyong komitment at kwalipikasyon. Para sa teaching demonstration, ang mga sumusunod ang kritikal na konsiderasyon: content, organization, delivery at Q&A.
  • Ihanda ang diploma at transcript of record. Kung hindi pa handa ang mga ito mula sa iyong pamantasan ay maaaring certified true copy of grades muna ang pansamantalang ipasa.
  • Paghandaan mabuti ang teaching demonstration. Magsaliksik, mag-aral at mag-ensayo mabuti. Tiyakin din na nakapagpahinga nang lubos bago sumabak sa aktwal na teaching demonstration. Kumain at matulog nang sapat bilang paghahanda.
  • Iwasang kabahan dahil makakaapekto ito sa kalidad ng iyong presentasyon. Inaasahan ng mga panelista na buo ang iyong loob kapag humarap ka rin sa iyong mga mag-aaral sa aktwal na klase.
  • Linawin ang takdang petsa, oras o lugar ng teaching demonstration. Posibleng ito ay maging face-to-face, online o hybrid set-up.
  • Dumating sa lugar o pumasok sa virtual room sa takdang oras. Kung online, tiyaking maayos ang iyong internet connectivity.
  • Magsuot ng pormal o smart casual na damit.
  • Tukuyin kung anu-anong mga asignatura ang kayang ituro. Maaaring ang mga ito ay general education, core courses, electives o cognates.  Kung pamilyar ka sa kanilang kurikulum ay maaaring isaad mo ang iyong nais sa iyong letter of application o sa mismong panayam.
  • Isaad din sa liham kung kaya mong magturo ng research courses o magsilbing practicum adviser o preceptor. Maituturing itong malaking bentahe.
  • Tiyaking maging matatas sa wikang iyong gagamitin sa teaching demonstration. Alamin din kung may opsyon sa gagamiting wikang panturo.
  • Sumangguni sa iyong mentor kung paano mas mapaghahandaan ang teaching demonstration. Makatutulong ang iyong mga dating guro. Sila ay may mahaba at mayamang karanasan sa larangan.
  • Magsaliksik din mabuti ukol sa academic program at academic department ng iyong gustong pasukan at pagturuan. Alamin ang kanilang academic at research culture.
  • Linawin kung full-time o part-time ang iyong papasukang posisyon sa pagtuturo.
  • Ikonsidera ang panahon na ilalaan sa pagtuturo kung ikaw ay matatanggap at kung paano mo rito itatambal ang mga kaugnay na gawain tulad ng pag-aaral sa graduate school, pagsasagawa ng academic research at pagtupad sa extension work (o public service) sa komunidad.
  • Bigyang-diin sa iyong aplikasyon kung ikaw ay isang practitioner sa industriya at larangan. Mahalagang ambag ito sa faculty roster.
  • Alamin kung ikaw ba ay malayang makapipili ng paksa para sa teaching demonstration o kung sila ang magtatalaga ng partikular na paksa o tema para sa mga aplikante.
  • Alamin kung gaano kahaba ang ibibigay nilang palugit para sa teaching demonstration. Kadalasan ito ay tumatagal ng 10-15 minuto. Iwasang lumampas sa takdang oras. Sa question and answer kadalasan mas tumatagal ang balitaktakan.
  • Manood ng mga online video ukol sa best practices sa teaching demonstration.
  • Alalahanin din ang estratehiya ng mga naging guro at paghalawan ito ng istilo at inspirasyon.
  • Maghanda ng visual aid para sa iyong presentasyon. Alamin ang do’s and don’ts sa pagbuo ng visual aid.
  • Tiyaking hindi text heavy ang iyong visual presentation. Siguraduhin ding reader-friendly ang kombinasyon ng mga kulay na iyong gagamitin.
  • Magpakilala sa panel of evaluators. Sabihin ang iyong buong pangalan, nickname, tinapos na kurso at research areas. Maaari ring ilahad kung bakit mo napili ang iyong tampok na paksa batay sa ibinigay na tema para sa teaching demonstration.
  • Tandaan na ang teaching demonstration ay may layuning masukat ang iyong kaalaman, kasanayan, at kahandaan.
  • Alamin din ang profile ng iyong panel kung may pagkakataon. Kadalasan naman ay isa-isa silang ipinakikilala ng program coordinator o department chair bago magsimula ang teaching demonstration. Maaari ring disciplinary o cross-disciplinary ang bumubuo ng panel.
  • Alamin din kung sinu-sino ang bubuo sa iyong tagapakinig sa pangkalahatan. Maaaring may mga mag-aaral na tagapakinig sa mismong teaching demonstration kasama ng mga panelista na binubuo naman ng kaguruan at/o administrador.  Maaari namang mga panelista lamang ang magsilbing tagapakinig.
  • Maghandang sagutin kung tatanungin ang ukol sa teaching philosophy na gumagabay sa iyong pedagogy at assessment style.
  • Paghandaan mabuti ang question and answer portion pagkatapos ng mismong teaching demonstration. May mga katanungan ukol sa paksa o pedagohiya. Maaari ring may kinalaman sa usaping administratibo o ethical dilemma. Maaari ring hindi sumang-ayon ang panel sa iyong tinalakay at maging handang tumugon dito nang matuwid, magalang, at mahinahon.
  • Aralin din ang mga kaugnay at napapanahong isyung panlipunan na maaaring paghalawan ng katanungan.
  • Aralin mabuti ang paksa ng iyong teaching demonstration. Mag-ensayo at humingi ng puna mula sa iba upang mas mapulido ito.
  • Itala ang iyong mga ginamit na sanggunian sa presentasyon.
  • Pagplanuhan mabuti ang magiging lunsaran ng iyong lektura. Tiyaking ito ay magiging epektibo at pukaw-atensyon. Ito ay maaaring isang larawan, sipi, estadistika, anecdote o vignette.
  • Pag-isipan mabuti ang teaching strategy na iyong gagamitin.
  • Ipagpalagay na ang iyong mga tagapakinig ay mga mag-aaral (kahit na sila ay mga guro at/o administrador) sa estratehiya ng iyong pagtuturo. Maaari rin silang magtanong batay sa lebel at punto-de-vista ng mga mag-aaral upang i-simulate ang aktwal na klase.
  • Pag-isipan kung ano ang magiging approach (o dulog) sa teaching demonstration. Ito ba ay teacher-centered, student-centered o learning-centered. Ikonsidera rin ang magkakaibang learning style at preference ng mga mag-aaral.
  • Balansehin ang pangangailang maging malalim sa diskurso pero madaling maunawaan ng mga mag-aaral.
  • Aralin din mabuti ang iyong application letter, curriculum vitae at iba pang ipinasang dokumento dahil maaring magtanong at maglinaw ang panel ukol dito. Maaaring magtanong ukol sa iyong employment history o research undertakings. Makabubuti rin na maging pamilyar sa faculty profile sa pamamagitan ng pagsasaliksik online. Maaaring tanungin din nila kung ano ang iyong magiging ambag upang higit na mapaghusay ang kanilang kasalukuyang hanay o faculty roster. Kaugnay nito, itampok ang iyong espesyalisasyon sa larangan at research focus.
  • Umantabay sa magiging resulta ng aplikasyon habang patuloy na naghahanda para sa isusunod na hakbang.
  • Ipagpatuloy ang aplikasyon kahit na mabigo sa unang subok. Matuto mula sa karanasan at mas pag-ibayuhin ang mga susunod na pagtatangka.
  • Isapuso ang diwa ng propesyon kung palarin sa aplikasyon. Maging mahusay at responsableng guro. Maging isang reflective practitioner. Tandaan na ang pagtuturo ay kinapapalooban ng paglikha, palitan, at aplikasyon ng kaalaman.  Bahagi rin nito ang pagpapanaig ng demokratiko, desentralisado at dekolonyal na praksis ng karunungan. At laging tandan, ang edukasyon ay dapat maging mapagpalaya at hindi makasarili.

Para sa inyong reaksyon, maaari ring umugnay sa pamamagita

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -