ANG impeachment kay Vice President Sara Duterte ay hindi magkakaroon ng anumang masamang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas, sabii ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes, Pebrero 7.
“I doubt it very much,” sagot ni Pangulong Marcos nang tanungin kung ang gobyerno ay handa para sa maaaring epekto ng impeachment sa ekonomiya ng bansa.
“Wala naman akong nakikitang magiging effect na ganon,” dagdag ng Pangulo.
Binigyang-diin ng Pangulo na nananatiling matatag ang pamahalaan sa mga plano, estratehiya, at pagbabago sa estruktura nito.
“Yun lang naman ang tinitingnan ng investors, so I don’t think it will have any effect,” paliwanag ng Pangulo.
Hindi bababa sa 215 na miyembro ng House of Representatives ang pumirma sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente, na nagpapahintulot na direktang ipadala ito sa Senado para sa paglilitis. Halaw sa pabalita ng Presidential News Desk