27.1 C
Manila
Martes, Pebrero 4, 2025

Mga nangyari sa banking system pagkatapos ng 2 taon na pag-akyat ng interest rates

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang nangyari sa banking system pagkatapos ng dalawang taon na pag-akyat ng interest rates? Tumaas ba ang nonperforming loans (NPLs)? Paano binawi ng mga bangko ang mga lugi nila sa pagtaas ng NPLs?

Dahil sa pakikibaka ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa inflation na umakyat hanggang 6.0% noong 2023, pinakamataas sa loob ng labing-limang taon, tinaasan ng Bangko Sentral ang interest rates. (Table 1) Itinaas ang policy (interest) rate sa 6.35% noong 2024 mula sa 6.17% noong 2023. Dahil dito, umakyat ang average (nominal) lending rate sa 7.95%. Umakyat din ang time deposit rate sa 4.36%.

Dahil sa pagtaas ng interest rates, bumaba ang paglago ng loans sa mga bangko. Mula sa 13.6% na paglago ng gross loans ng banking system noong  2023, lumupasay ang paglago nito sa 10.4% noong 2024. (Table 2) Ito ang dahilan ng pagbaba ng capital formation mula sa double-digit levels noong 2021 at 2022 sa 5.9% noong 2023 at 8.5% noong 2023. Ito rin ang dahilan kung bakit naging matumal ang ekonomiya noong 2023 at 2024.

Dahil sa matumal na ekonomiya, tumaas ang nonperforming loans (NPLs) ng mga bangko. Ang mga NPLs ay mga pautang na di nababayaran ang interest. Mula P398.8 bilyon noong 2022, umakyat ang gross NPLs sa P449.1 bilyon boong 2023 at P520.5 bilyon noong Nobyembre 2024. Sa bahagdan ng total gross loans, rumatsada ang NPLs mula sa 3.16% noong 2021 sa 3.52% noong Nobyembre 2024.

Dahil dito, ni-require ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na dagdagan ang provision for loan losses. Mula sa P426.86 bilyon noong 2022, dinagdagan  ito at umakyat sa P426.86 bilyon noong 2022 at P bilyon sa P485.13 bilyon noong Nobyembre 2024.


Ganoon din ang nonperforming assets (NPAs) na lumago mula sa P526.59 bilyon noong 2022 sa P665.44 bilyon noong Nobyembre 2024. Ngunit dahil sa rules ng BSP na kung saan kailangang mag-set aside ng sufficient na amount para dito, sunud-sunod na bumaba ang bahagdan ng NPAs mula 87.9% noong 2022, 85.1% noong 2023 hanggang sa 78.9% noong Nobyembre 2024.

Ang banking system ay nag-adjust sa mas masungit na kapaligiran ng ekonomiya. Dinagdagan ang resources mula P23.5 trilyon noong 2022 sa P26.7 trilyon noong Nobyembre 2023. Lumago ang kanilang deposit mobilization mula P17.8 bilyon noong 2022 sa P19.8 bilyon noong Nobyembre 2024. Ngunit ang bahagdan nito sa GDP ay humina mula 82.5% sa 74%. Karamihan o halos 74% sa mga resources ng bangko ay galing sa deposit liabilities. Mula sa 9.4% na paglago noong 2022 nang ang real GDP growth ay nasa pinakamataas nitong antas na 7.6% pagkatapos ng pandemya, bumagal ang pag-akyat ng deposit liabilities sa 7.1% noong 2023  ngunit umakyat ulit sa 7.7%% noong Nobyembre 2024.

Ngunit ang pinakamalaking source ng pondo ng banking system ay ang capital accounts na umakyat mula P2.7 trilyon sa P3.3 trilyon. Ang ibig sabihin, tinaasan ng mga stockholders ng mga bangko ang kapital ng kanilang mga bangko.

Kasabay ng paglago ng kanilang resources ang pag-akyat ng kanilang pautang (loans) sa mga negosyo at consumers. Umakyat ang kanilang gross loans nang higit sa 10% bawat taon pagkatapos ng pandemya. Lumago ang pautang nila ng 10.8% noong 2022, 13.6% noong 2023 at 10.4% noong unang labing-isang buwan ng 2024. Kahit na tumaas ang interest rates, malago pa rin ang pag-akyat ng pautang na siyang bumubuhay sa mga negosyo.

- Advertisement -

Ang pinakamahalagang sukatan ng lakas ng banking system ay ang capital adequacy ratio o CAR. Sinasaklaw nito ang kakayahan ng bangko na bayaran ang kanyang mga liabilities, kung solvent pa rin ito kapag may difficult financial circumstances siyang daraanan. Ang agreement ng mga regulators na kasama sa Basel Committee on Bank Supervision, isang international na pulutong ng mga regulators kasama ang mga maunlad na bansa, ay minimum CAR na 10.5%. Ngunit simula nang na-adopt ang CAR sa Basel, mas mataas ang average CAR ng mga bangko sa Pilipinas na noong Setyembre 2024 ay umabot sa 16.44%. Bumaba ito ng 15.9% noong 2022, noong patapos na ang pandemya.

Kahit tumataas ang NPLs at NPAs ng mga bangko, malakas pa rin ang profitability nila. Mula sa mababang P259.3 bilyon noong2021, umakyat ang net profit before tax ng mga bangko sa P363.5 bilyon noong 2022, at P435.7 bilyon noong 2023.  Noong Setyembre 2024, umabot ito sa P364.8 bilyon, 10.1% na mas mataas kaysa sa antas nito noong Setyembre nakaraang taon

Ang rate of return on assets at rate of return on equity ay umabot sa 1.47% at 11.9%, respectively, sa unang siyam  na buwan ng 2024, mas mataas kaysa sa mga antas noong kasagsagan ng pandemya, at ng 25-year average na 1.46% at 11.7%, ayon sa pagkakasunod.

Table 1. INTEREST RATES 2021 2022 2023 2024
INFLATION RATE 4.38% 5.82% 6.00% 3.22%
POLICY RATE 2.00% 3.21% 6.17% 6.35%
POLICY RATE (REAL) -2.38% -2.61% 0.17% 3.13%
LENDING RATE 6.07% 6.00% 7.54% 7.95%
LENDING RATE (REAL) 1.62% 0.17% 1.46% 4.59%
TIME DEPOSIT RATE 1.20% 1.62% 4.19% 4.36%
TIME DEPOSIT RATE (REAL) -3.05% -3.97% -1.71% 1.11%
Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas & Philippine Statistics Authority

 

 

 

Table 2. BANKING SYSTEM   2021 2022 2023 2024 As of:
RESOURCES, P Billion 20,821.01 23,497.42 25,859.00 26,733.90 Nov
       Percent Growth 4.0% 12.9% 10.1% 9.7%  
       Percent of GDP 107.3% 106.7% 106.3% 106.8%  
(GROSS) LOAN PORTFOLIO, P Billion 11,389.1 12,613.7 13,859.9 14,719.3 Nov
       Percent Growth 4.8% 10.8% 13.6% 10.4%  
      % of GDP 60.5% 57.3% 57.0% 57.6%  
(NET) LOAN PORTFOLIO, P Billion 11,022.2 12,251.5  13,525.4 14,316.86 Nov
       Percent Growth 2.0% 11.2% 14.9% 10.0%  
DEPOSIT LIABILITIES, P Billion 16,241.0 17,767.4 19,032.7 19,790.35  Nov
       Percent Growth 9.0% 9.4% 7.1% 7.7%  
      % of GDP 83.7% 82.5% 81.1% 74.0%  
LOAN-DEPOSIT RATIO 67.9% 69.0% 71.1% 72.3%  
CAPITAL ACCOUNTS, P Billion 2,573.9 2,702.0 3,068.9 3,335.6 Nov
       Percent Growth 5.9% 5.7% 14.3% 9.9%  
      % of GDP 13.3% 12.3% 12.6% 12.5%  
NON-PERFORMING LOANS (NET),P Billion 240.30 186.11 121.35 230.48 Nov
       Percent Growth 10.3% -22.5% -34.8% 14.7%  
NON-PERFORMING LOANS (GROSS),P Billion       454.49       398.79 449.06 520.53  
       Percent Growth 15.3% -12.3% 12.6% 14.6%  
NON-PERFORMING LOANS,GROSS % OF TOTAL LOANS 3.99% 3.16% 3.24% 3.54% Nov
NON-PERFORMING LOANS, NET % OF TOTAL LOANS 2.11% 1.48% 0.88% 1.61%  
NPL COVERAGE RATIO, % 87.4% 107.0% 101.7% 92.8%  
PROVISION FOR LOAN LOSSES (PB)     397.10     426.86     456.85     485.13  Nov
NONPERFORMING LOANS (NET) OF THE BANKING SYSTEM. P Billion 240.30 186.11 121.35 234.53  
       Percent Growth 10.3% -22.5% -34.8% 12.4%  
        % of Total Loans 2.2% 1.5% 0.9% 1.6%  
        % of GDP 1.2% 0.8% 0.5% 0.9%  
NON-PERFORMING  ASSETS (NPAs)        
   P Billion 571.79 526.59 580.39     665.44  Nov
   % of Total Assets 2.75% 2.24% 2.24% 2.49%  
NPA COVERAGE RATIO, % 75.3% 87.9% 85.1% 78.9%  
PROVISION FOR NPAs (PB) 430.80 462.73 494.12 524.87  
CAPITAL ADEQUACY RATE  5/ 16.60% 15.89% 16.57% 16.44% Sep
REAL ESTATE EXPOSURE, % OF TOTAL LOAN PORTFOLIO (Excluding Interbank Loans)  
   End- December 21.6% 21.9% 20.55% 19.95% Sep
NET INCOME BEFORE TAX 259.3 363.5 435.719 364.812 Sep
    % Growth 67.1% 40.2% 19.9% 10.1%  
    % of Total Assets 1.07% 1.34% 1.50% 1.47%  
    % of Total Equity 8.6% 11.0% 12.4% 12.1%  
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -