PINANGUNAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano ang Senate panel sa Bicameral Conference Committee na may layuning pag-isahin ang mga magkaibang probisyon ng “Phivolcs Modernization Bill” (House Bill No. 10370 at Senate Bill No. 2825) nitong Martes, January 28, 2025.
Ang Bicameral Conference Committee ang responsable sa pagtutugma ng mga pagkakaiba ng bersyon ng panukala mula sa Senado at Kamara. Matapos ang pag pigrma ng magkabilang panig, ipapadala ang huling kopya ng panukala sa Malacaรฑang.
Bilang pangunahing sponsor ng panukala, sinamahan si Cayetano nina Senador Francis “Tol” Tolentino, Joel Villanueva, Juan Miguel “Migz” Zubiri, at Aquilino “Koko” Pimentel III.
Pinangunahan naman ang panig ng Kamara ni Representative Carlito Marquez bilang chairperson ng House panel, kasama sina Representatives Joey Salceda, Ron Salo, Anna Bondoc, Jeyzel Yu, Angelo Barba, at Gabriel Bordado Jr.
Layon ng Phivolcs Modernization Bill na palakasin ang kakayahan ng ahensya sa pagharap sa mga sakuna at pagpapabuti ng kahandaan ng bansa.
Kabilang sa mga pangunahing probisyon nito ang modernisasyon ng kagamitan ng Phivolcs, pagdaragdag ng seismic stations, at mas mataas na sweldo at mas maayos na pagsasanay para sa mga tauhan nito.
Inaprubahan ng Senado ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa nitong January 14, 2025.