“ANG Ginintuang Gulang ng Amerika ay nagsisimula ngayon na (The Golden Age of Amwrica begins right now).*
Panimula pa lang iyun ng talumpati ni Presidente Donald Trump sa inagurasyon ng kanyang panguluhan ng Amerika noong Enero 20, 2025. At masigabong palakpakan ng mga tagapakinig na kinabibilangan ng mga dating presidente na sina Joe Biden, Barak Obama, George Bush at Bill Clinton. Kung noon pa lamang nagsisimula ang Ginintuang Gulang ng Amerika, ibig sabihin, ang panunungkulan ng mga dating pangulong nabanggit ay pawang bigo. At dahil pumalakpak din ang mga pangulong ito, ibig sabihin ay tanggap nila ang sa katunayan ay pangmamaliit ni Trump sa kanilang mga administrasyon.
Iyan ang masakit sa mga pormalidad. Ininsulo ka na’t lahat, todo pakamaginoo ka pa rin. Kung iyun ay usapang kalye, pag hindi golpe sarado ang inabot ni Trump. Pwera na lamang kung siga-siga talaga si Trump at handang ipakipagpatayan ang kanyang kahambugan.
Makaraan ang isang araw ng kanyang panunumpa, ipinag-utos ni Trump ang deportasyon ng milyung-milyung de-dokumentadong migrante sa Estados Unidos.
Kabilang sa apektado ng utos ay mga Pikipino, na di-kakaunti ang bilang.
Dalawang napakahalagang kapahamakan ang ibubunga nito. Una, libong pamilyang Pilipino ang magugutom. At pangalawa, malaking kabawasan sa dollar reseeve ng bansa na noong 2023 ay tinatayang umabot sa $13.71 billion mula sa kontribusyon ng mga overseas Filipino workers sa Estados Unidos. Kung tutuusin na kabilang din sa mga pangunahing kautusan ni Trump ay ang pansamantalang pagpigil sa foreign assistance fund ng America sa mga piling ibang bansa, karagdagan pang mga $600 milyun ang ihihina ng ekonomiya ng Pilipinas.
Dagdag pa ring mawawala sa Pilipinas ang mga benepisyong ambag naman ng Amerika sa World Health Organizarion (WHO) na roon ay iniatras ni Trump ang America kasabay ng pag-atras pa rin sa Paris Agreement on Climate Change.
Para sa isang pangulo na sa panahon ng kampanya ay pawang pagtutol sa giyera ang bukambibig, ang nangyari sa unang araw pa lamang ng pag-upo ay walang dudang giyera ang pangunahing tinutungo.
Pansinin ang pahayag na ito sa social media platform ni Trump, patutsada kay Presidente Vladimir Putin ng Russia:
“Settle now, and STOP this ridiculous War! IT’S ONLY GOING TO GET WORSE.
“If we don’t make a ‘deal’, and soon, I have no other choice but to put high levels of Taxes, Tariffs, and Sanctions on anything being sold by Russia to the United States, and various other participating countries (Makipagkasundo na ngayon, at ITIGIL na ang kahangalang Giyera na ito. LALALA LANG ITO.
Kung hindi tayo magkakasundo, at kaagad, wala akong ibang mapagpipilian kundi ang taasan wng mga Buwis, Tatipa at mga Pagbabawal sa anumang ipinagbibili ng Russia sa Estados Unidos, at iba pang mga kalahok na bansa).”
Sasabihin mo, tatapusin mo ang giyera sa Ukraine sa loob ng 24 oras, pero sa asta mong iyan ngayon, di ba naghahamon ka ng giyera.
Hindi ganyan ang pakikipag-usap sa isang presidente, lalo na sa presidente ng Russia na nagkataon na si Vladimir Putin na sa pagsisimula pa lanang ng giyera sa Ukraine ay nagwika: “Hindi ako ang unang magpapakawala ng bomba nukleyar, subalit hindi rin ako ang pangalawa.”
Ibig sabihin ni Putin, nasa malalim na mekanismong pananggol ng Russia na ang unang pasabog ng sandatang nukleyar sa Russia ng alinmang kaaway ay magsisilbing gatilyo upang kontrahin ang unang pasabog na magdudulot na ng ganap na pagkawasak ng buong sandaidigan – kaya wala nang anumang pangalawang pagkakataon pa para sa sinuman ang magpasabog pa ng pangalawang bomba nukleyar.
Sa isa pang banda, maaring alam na rin ni Trump ang bagay na iyun at ang madalas na ipangalandakan ng mga heneral ng Amerika na wala silang pantapat sa mga hypersonic missile ng Russia ay isang psywar lamang upang iligaw ang kalaban.
Sa kanyang mga unang gawi pa lamang ngayong termino sa panguluhan, maliwanag na handa siyang makipagdigma sa sinumang kaaway – maging ang sariling nasasakupan na ayaw pailalim sa kanyang kagustuhan.
Abangan kung ano ang kanyang gagawin kay California Governor Gavin Newsom. Sa kabila ng kanyang matinding pangangailangan ng tulong nasyonal sa pagsawala sa napakamapaminsalang wildfires sa Los Angeles, buong tapang na kinondena ng gobernador ang desisyon ni Trump na ideport nang maramihan ang mga de dokumentadong migrante sa Amerka..
Ayon kay Newsom, ang deportasyon ay magbubunga ng pagkawatak-watak ng mga pamilya, na hindi niya mapahihintulutan.
Napakainteresante ng gusot na ito. Sa ilalim ng konstitusyon ng Amerika, walang probisyon na ang presidente ay maaaring magdeklara ng martial law. Subalit ang gobernador ay maaari sa ilalim ng mga tanging kalagayan.
Kabilang ba sa mga kalagayang ito ang halos buwan na ang inabot na sunog sa Los Angeles? Mangyari pa, cordial ang atmosphere, ika nga, kamakailan nang dalawin ni Trump ang sinalanta ng sunog at nagyakapan pa sila ni Newsom.
Ngayong tahasang kinondena ni Newsom ang ang deportation order ni Trump, sino ang masusunod?
Ulitin natiin ang natukoy na sa unahan: Sa ilalim ng konstitusyon ng Amerika, walang probisyon na maaaring magdeklara ng martial law ang presidente, subalit ang gobernador heneral ay may ganung kapangyarihan.
Abangan.