24.2 C
Manila
Lunes, Enero 27, 2025

Puerto Princesa CDRRMO may mga bagong gamit sa pagresponde

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMILI ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ng mga bagong sasakyan para magamit ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa pagresponde sa anumang uri ng sakuna o kalamidad.

Apat na unit sa mga nasabing sasakyan ay para sa management of the dead and missing operation; anim na fire truck; isang unit ng boom truck at isang unit ng logistic rescue truck.

Ayon kay CDRRM Officer Earl Timbancaya, nabili ang mga sasakyan mula sa local DRRM funds ng siyudad.

“Mayroon tayong mga bagong equiptment na dumating. Kasama diyan ang mga water tanker natin na may fire-fighting capabilities. Mayroon din tayong capability para sa search and rescue, nakapagdagdag tayo ng equipment, ‘yong utility truck, manlift truck at saka yong loader na magagamit natin specifically sa collapse structure. This was acquired by the city government through the CDRRM office utilizing the City Local Disaster Risk Reduction and Management fund,” pahayag ni Timbancaya.

Ayon pa sa kanya, magagamit din ang nasabing mga sasakyan sa paghahanda ng CDRRMO sa paparating na La Niňa season.

Ipapamahagi naman sa mga estabilisado nang forward service center sa mga mini city halls ng lungsod ang ibang mga saksayan bilang karagdagang gamit para sa mas mabilis na emergency response, dagdag na pahayag ni Timbancaya.

Sa kahandaan naman ng CDRRMO, sinabi rin niya na gagawin ng kanyang tanggapan ang kanilang makakaya sa pagtugon sa anumang hazard events na mangyayari sa lungsod.

“Rest assured that the office is doing whatever we can, in terms of preparation po doon sa anticipated hazard events na mayroon tayo dito sa city,” pahayag pa ni Timbancaya.

Ang ibang fire truck naman ay itatalaga sa Bureau of Fire Protection (BFP) bilang augmentation sa operasyon ng nasabing ahensiya.

Sa kasalukuyan, ang Puerto Princesa ay mayroong apat na mini city hall na matatagpuan sa mga barangay ng Macarascas, Napsan, Luzviminda at San Rafael na may forward operation center na ng CDRRMO. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -