MATITIYAK ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Overseas Filipino Bank (OFBank), kung magiging batas ang isang panukala ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla.
Ihinain ni Padilla ang Senate Bill 2937 nitong Enero 22, na nirerebisa ang charter ng OFBank, para sa mga OFW na kanyang itinuturing na “bagong bayani.”
“It is essential to maintain an independent entity to ensure the efficient delivery of services to Overseas Filipinos across different parts of the globe,” aniya.
Ani Padilla, ang OFBank ay policy bank para sa OFWs, na ang layunin ay maghatid ng “quality and efficient foreign remittance services.”
Sa panukala, magkakaroon ang OFBank ng authorized capital stock na P1 bilyon. Magkakaroon ito ng board of directors na may siyam na myembrong hihirangin ng Pangulo.
Ang OFBank ay sasailalim din sa prudential requirements ng Bangko Sentral ng Pilipinas.