24.2 C
Manila
Lunes, Enero 27, 2025

DILG Tanong ng Bayan

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY kaparusahan ba ang pagtanggi o pagkabigo ng alin mang panig, inirereklamo o nagrereklamo o di kaya saksi, na humarap sa pagpapatawag ng Lupon?

Ang pagtanggi o kusang pagkabigo ng alin mang panig o saksi na humarap sa patawag ng lupon o pangkat ay maaaring maparusahan ng indirect contempt of court ng panlungsod o pambayang hukuman base sa aplikasyon na inihain ng tagapangulo ng lupon, tagapangulo ng pangkat, o alin man sa mga nagtatalong panig. Ito ay alinsunod sa probisyon na nakapaluob sa Katarungang Pambarangay sa ilalim ng Kabanata 7, Unang Titulo, Aklat III ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal o Local Government Code.

Ang gayong pagtanggi o kusang pagkabigo na humarap ay ilalagay sa mga tala ng kalihim ng lupon o sa mga katitikan ng kalihim ng pangkat at ito ay mag hahadlang sa alinmang nasasakdal o mga nabigong humarap, na humingi ng panghukumang tulong (judicial recourse) o aksiyon para sa parehong kadahilanan o reklamo. Ang nasasakdal naman na tumangging humarap sa Lupon, ay hahadlangan sa paghahain ng ano mang counterclaim na nagbubuhat sa, o may kaugnayan sa naisampang reklamo.

Magkakaroon naman ng karapatan sa honorarium ang isang kasapi ng pangkat na nagsilbi at ang halaga nito ay pagpapasiyahan ng kinauukulang sanggunian, at naaayon sa mga itinadhana ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal.

Halaw mula sa Seksyon 515 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -