25.7 C
Manila
Huwebes, Enero 23, 2025

DBM, dinagdagan ang kapasidad ng website para mapabilis ang public access

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa pagdagsa ng mga user na bumibisita sa website ng Department of Budget and Management (DBM), minarapat ng DBM Information and Communications Technology Systems Service (ICTSS) na magsagawa ng tatlong oras na system maintenance, mula ika-20 ng Enero ng 10:00 AM hanggang ika-21 ng Enero ng 1:00 AM. Ito ay upang i-upgrade at pahusayin ang kapasidad ng sistema at mapabuti ang kabuuang bilis at kahusayan ng website.

Walang katotohanan ang mga bulung-bulungan na ipinakalat ng mga fake news peddlers at mga professional government destabilizer na in-edit ng DBM ang 2025 General Appropriations Act (GAA) upang punan ang mga blangko, dahil walang kahit isang pahina o bilang ang nawawala sa 2025 GAA. Ang mga libu-libong tao na nakapag-access na sa 2025 GAA mula nang i-upload ito noong ika-3 ng Enero 2025, at ang mga may access sa 400 set ng naka-print na GAA sa parehong kapulungan ng Kongreso, ang makapagpapatunay dito. Samantala, ang National Expenditure Program ay na-upload ng DBM sa website noong ika-29 ng Hulyo 2024.

Para sa inyong reference, narito ang mga link:

DBM Websitedbm.gov.ph

GAA 2025: https://www.dbm.gov.ph/index.php/2025/general-appropriations-act-gaa-fy-2025

NEP 2025: https://www.dbm.gov.ph/index.php/2025/national-expenditure-program-fy-2025

NEP dashboard: https://www.dbm.gov.ph/index.php/national-expenditure-programs-nep

Mensahe ng Veto ng Pangulohttps://www.dbm.gov.ph/index.php/2025/presidents-veto-message-on-fy-2025-general-appropriations-act-gaa

Maaari ring i-scan ng mga user ang QR code sa ibaba para sa agarang pag-access sa 2025 GAA.

Bukod dito, nais bigyang-diin ng DBM na hindi kinikilala ng mga mapanirang pahayag na kumakalat tungkol sa 2025 GAA ang mga makabuluhang pag-unlad sa transparency, accountability, at mas pinalakas na pakikilahok ng publiko na aming ipinatutupad sa pamamagitan ng Open Government Partnership at Digitalization. Sa katunayan, kamakailan lamang ay kinilala ang Pilipinas bilang pinaka-fiscally transparent na bansa sa buong Asya bilang resulta ng napapanahon at komprehensibong paglalathala ng DBM ng lahat ng mahahalagang dokumento, kabilang ang GAA, National Expenditure Program, in-year at mid-year reports, at ang People’s Budget series.

Sa hinaharap, aming hinihimok ang mga indibidwal na umiwas sa pagpapakalat ng maling impormasyon at nakikiusap din kami sa lahat na mag-ingat at maging mapanuri upang maiwasan ang pagiging biktima ng malawakang pagkalat ng maling impormasyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -