26.4 C
Manila
Miyerkules, Enero 22, 2025

Sen Robin, humiling ng suporta para sa panukalang agarang paglibing ng yumaong Muslim

- Advertisement -
- Advertisement -

HUMILING ng suporta si Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa kanyang kapwa senador nitong Martes ng gabi para sa panukalang batas na titiyak ng tama at agarang paglibing ng mga yumaong Muslim na alinsunod sa Islam.

Iginiit ito ni Padilla sa kanyang sponsorship speech para sa House Bill No. 8925 (An Act Requiring the Proper and Immediate Burial of Muslim Cadavers in Accordance with the Islamic Rites).

“Sa puntong ito, ako po ay humihiling sa kagalang-galang na bulwagang ito na nawa ay mabigyan ng pansin at suporta upang maging ganap na batas ang simple ngunit makabuluhang panukalang ito para sa inyong mga kapatid na Muslim,” aniya.

Ayon sa panukalang batas, magkakaroon ng malinaw na pamantayan para sa pagrerehistro ng kamatayan ng isang Muslim sa loob ng 30 araw. May probisyon din ito para sa pagpapalabas at angkop na shipment ng labi ng Muslim.

“Sumasagisag rin po ito sa ating pagtataguyod ng isang lipunang gumagalang at nagbibigay ng halaga sa mga yumao,” dagdag niya.

Dagdag ng mambabatas, ang panukalang ito ay kapatid ng kanyang Senate bill 1273 na nagbibigay ng equal access sa Filipino Muslims at indigenous peoples (IPs) sa public cemeteries.

Ani Padilla, bahagi ng paniniwala ng mga Muslim ang paglilibing sa labi ng isang yumao 24 oras matapos ang pagpanaw nito. Nguni’t nagiging hamon ang pangangailangang ito “dahil iba naman po ang paniniwala ng mayorya sa ating pamayanan.”

Kabilang sa mga hamong ito ang kailangan munang mag-secure ng death certificate bago po mapalabas mula sa ospital, punerarya, morgue, o ibang pasilidad bago maiuwi ang labi ng isang yumao sa kanyang pamilya.

“Napakabigat po ng kalagayang ito para sa mga tulad naming sumusunod sa sunnah o Katuruan ng Islam,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -