28.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Paanyaya para sa Ikatlong Layag Forum ng Kasalin Netwok

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD na ipinababatid na magsasagawa ang Kasalin Network ng webinar na Ikatlong Layag: Forum sa Mga Karapatan ng mga Tagasalin at Etika ng Pagsasalin  na magaganap sa Enero 25, 2025, Sabado, 1:00-5:00 n.h.  sa pamamagitan ng Facebook Live mula sa Kasalin Network FB Page.  Imbitado ang mga guro,  mananaliksik, tagasalin, administrador, at mga tagapagtaguyod ng wika at pagsasalin sa gawaing ito. Magparehistro lamang sa  https://bit.ly/3DJP6v0 o kaya ay  i-scan ang QR code sa poster.

Inilunsad noong Mayo 2024 ang Unang Layag Forum na nakatuon sa paglinang ng Batas para sa Propesyonalisasyon ng mga Tagasalin sa Bansa. Sinundan naman ito ng Ikalawang Layag Forum noong Setyembre 2024 na nagpokus sa Epekto ng AI sa Pagsasalin. Para sa ikatlong forum, tampok na mga tagapagsalita sina Atty. Nicolas Pichay ng Tanggapan ng Senado at Dr. Rhoderick Nuncio ng Pamantasang De La Salle Maynila. Pokus ng talakayan ang pagbibigay-diin sa mga karapatan ng mga tagasalin ayon sa batas at ang mga etikal na konsiderasyon sa praktika ng pagsasalin. Inorganisa ang forum ng mga miyembro ng Kasalin Network sa Visayas: Cebu Normal University, Biliran Province State University, Aklan State University, University of San Carlos,University of Antique, Samar State University, West Visayas State University, Leyte Normal University, Palompon Institute of Technology, Bohol Island State University, Southern Leyte State University, Negros Oriental State University, University of Eastern Philippines, Eastern Visayas State University, Cebu Technological University at Guimaras State University.

Binubuo ang Kasalin Network ng mga institusyon at indibidwal na hangaring maorganisa ang mga tagasalin para sa pagkilala at propesyonalisasyon ng pagsasalin sa buong bansa sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino kasama ang UST Sentro sa Salin at Araling Salin, AdMU Senior High School, BTA-TID, DLSU SALITA, FIT, Magbikol Kita, PATAS ,NCCA NCCA-NCLT, PNU-LSC,PUP Sentro ng Pagsasalin,SWF-UP Diliman,TAP, UA & P- Kagawaran ng Filipino, at SANGFIL.

Makakatanggap ng Sertipiko ng Pagdalo ang mga nagparehistrong kalahok at aktibong nakikibahagi sa programa.

Para sa iba pang impormasyon, mag-email sa [email protected].

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -