28.7 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Pahayag ni Sen Hontiveros sa paggigiit na kokopyahin ng PAP Bill/CSE ang Unesco/WHO

- Advertisement -
- Advertisement -

SINASABI sa Bill, na ang Comprehensive Sexuality Education o CSE ay “guided by DepEd and international standards.”

Ibig sabihin, gagamiting gabay lang kug makakatulong sa kapakanan ng kabataan. Walang intensyon o obligasyon sa batas na gayahin nang walang pag-iisip ang anumang international standard.

Hindi ibig sabihin ay kokopyahin lang lahat naang naka-publish sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) o World Health Organization (WHO). Siyempre kung may mga nakasaad diyan na hindi akma sa konteksto at kultura ng Pilipinas, siyempre hindi yan gagamitin. Common sense po iyan.

DepEd pa rin, kasama ang ibang relevant agencies, at dapat may consultation with various stakeholders, ang mag-iimplement ng CSE. Hindi kung sino-sinong international body. Wala pong magdidikta sa ating gubyerno kundi tayong mga Pilipino.

Panghuli, the highest international standard is the UN declaration of human rights and the convention on the rights of the child. Proteksyon at kalinga para sa mga bata ang pangunahing layunin.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -