TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta para sa patuloy na pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) sa isang pulong kasama ang Department of Science and Technology sa pangunguna ni Secretary Renato Solidum Jr. nitong Miyerkules.
Binanggit ng Pangulo na mahalaga ang proyekto at tiniyak na hahanapan ng sapat na pondo upang maiwasan ang mga pagkaantala.
Ayon kay PBBM, ang VIP ay mahalaga hindi lamang para sa kalusugan ng tao, kundi pati na rin para sa mga hayop at halaman bilang bahagi ng paghahanda laban sa mga posibleng pandemya.