24.5 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

PH Natural Gas Industry Development Act, batas na

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG panukalang batas na nagsusulong sa pag-unlad ng natural gas industry sa bansa ay naisabatas na bilang Republic Act 12120.

Ang batas na ito, na isinulong ni Senador Pia Cayetano bilang chairperson ng Senate Energy Committee, ay naglalayong palakasin ang seguridad sa enerhiya para sa mga susunod na henerasyon, sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga investor na tuklasin ang indigenous natural gas resources sa bansa.

Habang itinuturing ang natural gas bilang transition fuel patungo sa renewable energy, tinutugunan din nito ang matagal nang isyu ng kakulangan sa enerhiya ng bansa. May mga probisyon din ang batas para sa transparency at patas na presyo para sa mga konsyumer, upang magkaroon ng balanse sa pagitan ng energy security at consumer welfare.

Ayon kay Cayetano, mas matatag at mas mura ang presyo ng lokal na natural gas kumpara sa mga imported na sources, isang patunay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahan na lokal na suplay. Aniya, hindi na gaanong maaapektuhan ang bansa sa mga pandaigdigang krisis at mas matutugunan ang pangangailangan sa enerhiya sa hinaharap.

“With more than half of our energy requirements being imported, we are clearly vulnerable to geopolitical conflicts,” ayon sa Senadora. Binigyang-diin niya ang pabago-bagong pagtaas ng presyo ng imported natural gas sa nakalipas na 14 taon, lalo na noong sumiklab ang digmaan sa Ukraine.

“Also based on the Energy Department’s 2022 Primary Energy Mix, 63.2 percent of our energy comes from oil and coal. As the country moves towards renewable energy sources, we need to find additional baseload resources, aside from oil and coal, which are less harmful to the environment,” ani Cayetano.

“That is the question we all must face right now: how important is energy security to us,” dagdag niya, habang binabanggit ang pagbaba ng mga natural gas explorations sa bansa – mula 150 noong 1970s hanggang sa wala simula 2019. Samantala, ang mga karatig-bansa tulad ng Indonesia ay patuloy na nakakatuklas ng sarili nilang natural gas.

“Malampaya was supposed to be the first of many producing gas fields in the Philippines, but it turned out to be the only one. The country needs more Malampayas: we barely have one left,” diin ng Senadora.

Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Sustainable Development Goals (SDGs), Innovation, and Futures Thinking, binigyang-diin ni Cayetano ang papel ng bagong batas upang maabot ang mga layunin natin sa ilalim ng SDGs, tulad ng malinis na enerhiya, mabuting kalusugan, dekalidad na edukasyon, pagkakapantay-pantay, at mga sustainable na komunidad.

Nagpasalamat din si Cayetano sa Pangulo sa pagpirma ng batas: “This is a significant step toward energy security. By enacting the Natural Gas Industry Development Act, we move closer to our vision of a more energy-secure Philippines that harnesses its own natural resources for the benefit of the Filipino people.”

“With this law, we empower families, we empower the Filipino people,” pagtatapos ni Cayetano.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -