25.1 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

Saan nanggaling ang mga external funds na pumapasok sa Pilipinas? Ano-ano ang nag-ambag sa positive  developments na ito?  

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY ang pagtaas ng balance-of-payments (BOP) surplus at pag-akyat ng Gross International Reserves (GIR) kahit na matumal ang exports of goods at direct foreign investment sa buong mundo. Saan nanggaling ang mga external funds na pumapasok sa Pilipinas? Ano-ano ang nag-ambag sa positive  developments na ito?  

Noong unang siyam na buwan ng 2024, umakyat ang BOP surplus ng bansa  sa $5.1 bilyon. Halos na-triple nito ng surplus na $1.7 bilyon na naitala noong nakaraang taon. Ang nakamit na surplus ay mas malaki sa inaasahang $1.6 bilyon na nakaprograma sa huling araw ng Disyembre. Itoý indikasyon na malakas ang kumpiyansa sa ekonomiya ng mga namumuhunan. Hindi inalintana ng bansa ang mataas na interest rate ng pautang, ang pag-akyat ng presyo ng maraming produktong kinabibilangan ng petrolyo at bigas, at ang pagdalang ng pagpasok ng dayuhang puhunan.

Nakatulong nang kaunti ang external debt at foreign investment dahil sa bahagyang pag-akyat  ng current account deficit (CAD) mula $10.9 bilyon noong nakaraang taon sa $12.9 bilyon ngayong taon. (Table 1)

Saan kaya nanggaling ang karamihan sa mga foreign exchange receipts?

Una, nanatili ang deficit sa trade in goods sa $50.0 bilyon. Maliksi ang pag-akyat ng exports of goods na lumago ng 2.8% noong unang siyam na buwan kaysa sa imports of goods na umakyat lang ng 1.3%. Tumaas ang agro-based exports ng 34.1% dahil sa 85.5% na paglago ng coconut products. Binaligtad nito ang matumal na paglago ng manufactured products exports na bumagsak ng 11.1%.


Sa kabilang dako, lumakas nang bahagya ang imports of goods mula US$91.2 bilyon sa US$92.4 bilyon. Lahat na kategorya ng imports ay lumagapak maliban sa pagkain. Umakyat ang importasyon ng bigas sa $1.7 bilyon, 51% na paglago, at gulay sa $1.1 bilyon, 16.1%  na paglago dahil sa El Niño at La Niña na nanira sa ani ng mga magsasaka. Umakyat din nang bahagya ng 2.2% ang raw materials at intermediate goods imports kasama ang mais at wheat na kailangan sa produksyon ng manufactured goods gaya ng livestock feeds at tinapay.

Ang pinakamalaking paghina ay nasa capital goods na kung saan lumagapak ang imports sa $26.4 bilyon, 1.9% na mas mababa kaysa noong nakaraang taon.  Nabalam ang pagtatayo ng mga bagong pagawaan at pabrika dahil sa mataas na interest rates. Ganoon din ang electronics components na bumaba sa $6.2 bilyon, nabawasan ng 3.5% kumpara sa nakaraang taon dahil sa pagbaba ng export demand. Bumaba rin ang imports ng mineral fuels at lubricants sa $14.7 bilyon, 2.6% na pagbagsak, kahit nanatili ang average na presyo ng krudo sa $82 kada bariles.

Ikalawa,  lumakas ang exports of services mula US$37.4 bilyon noong nakaraang taon mula sa $34.8 bilyon noong nakaraang taon, 7.4% na paglago.

Kasama rito ang turismo kung saan lumago ang tourism revenues mula $6.6 bilyon sa $7.2 bilyon , 9.5% na pag-akyat. Dahil sa pagkawala ng pandemya, nagsimula nang bumalik ang mga turista sa bansa.

- Advertisement -

Kasama rin dito ang mga tinatawag na information technology (IT)-enabled services gaya ng call centers, data storage and accounting services, animation, at transcription and translation services. Ang mga IT-enabled services ay lumago mula $22.1 bilyon sa $23.1 bilyon, 4.5% na pagtaas.

Isa pang kategorya ng exports of services na nagpakita ng maliksing paglago ay ang passenger, freight and other transport na lumaki mula $2.3 bilyon sa $2.8 bilyon, 24.1% na paglakas. Ang services na ito ay ibinibigay ng mga airlines at barko. Bumabalik na ang mga turista at cruise ships at sumisigla na ang pandaigdigang kalakalan.

Ikatlo, lumakas ang income inflows galing sa overseas Filipino workers (OFWs) at Pilipinong namumuhunan sa labas ng bansa. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 2.6 milyong Pilipinong manggagawa ang na-deploy noong 2023. Nadagdagan pa ng 3.2 milyon na na-deploy noong unang siyam na buwan ng 2024.

Patuloy ang pagtaas ng secondary income receipts o ang overseas Filipino workers’ (OFW) remittances. Lumago ito nang bahagya mula $23.5 bilyon sa $24.1 bilyon. Nagsimula nang bumalik ang sigla ng mga OFW remittances.

Rumatsada rin ang primary income receipts na kasama ang kita galing sa iba’t ibang bansa ng mga investments abroad ng mga Pilipinong namumuhunan. Lumago ito mula sa $11.9 bilyon sa $12.9 bilyon, 8.1% na paglago.

Gaya ng imports of goods, tumaas din ang imports of services mula $21.5 bilyon sa $27.0 bilyon, 25.8% na paglago. Umakyat ang mga bayarin sa services ng foreign airlines at shipping lines dahil sa paglago ng ating exports. Ganoon din ang papalabas na turismo. Ngunit sa pangkalahatan, ang deficit sa trade in goods at services ay bumaba dahil sa pagratsada ng exports of goods and services.

- Advertisement -

Ang primary income outflows ay umakyat mula $9.1 bilyon sa sa $9.5 bilyon . Ang mga palabas na bayarin sa dibidendo ng mga dayuhang namumuhunan sa Pilipinas  at ang mga interest payments sa kanilang mga pautang ay umakyat ng 4.4%.

Ang secondary outflows ay tumaas dahil sa pagdami ng foreign expatriates na kasama ng mga foreign direct investments noong nakaraang mga taon. Umakyat ang secondary outflows mula $789 milyon sa $835 milyon, 5.8% na paglago.

Patuloy ang pamumukadkad ng BOP position hanggang Nobyembre 2024 kaya namayagpag ang Gross International Reserves (GIR) sa $108.5 bilyon mula $102.7 bilyon noong Nobyembre 2023. Ang halagang ito ay kasya sa 7.8 na buwan ng imports ng goods at services, lagpas sa minimum standard na 2-3 buwan ayon sa International Monetary Fund (IMF).

Ang pagkakaroon ng BOP surplus at tumataas na GIR sa harap ng mga pagyanig sa world economy ang isa sa mga nagpapalakas sa credit rating ng bansa. Noong Agosto 2014, tinaasan ng Rating and Investment Information, Inc. (R&I) na naka-base sa Japan ang credit rating ng Pilipinas sa A- mula BBB+. Ang sinasabi nilang dahilan sa upgrade ay ang macroeconomic stability, mataas na economic growth path, at patuloy na pagbuti sa fiscal balance ng Pilipinas.  Ito ang ikalawang upgrade sa A- na nakuha ng Pilipinas; ang una ay galing sa Japan Credit Rating Agency (JCRA) na ibinigay noong Hunyo 2020 noong kasagsagan ng COVID 19. Noong Nobyembre 2024, itinaas ng Standard & Poors ang outlook ng credit rating ng Pilipinas sa “positive”.  Ang ibig sabihin nitoý maaaring masungkit ng Pilipinas ang “A-” na credit rating sa susunod na review. Kapag nangyari ito, lalong tataas ang kumpiyansa ng pamumuhunan sa Pilipinas.

 

Table 1. BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT
2022 2023 2024 Growth (%)
First   – Third Quarters 24 vs. 23
OVERALL BALANCE (US$M) (7,831) 1,735 5,117 194.9%
OVERALL BALANCE (% OF GDP) 0.56% 1.64% -0.37%
I. CURRENT ACCOUNT
CURRENT ACCOUNT BALANCE (US$M)       (18,130)       (10,885)       (12,930) 18.8%
CURRENT ACCOUNT BALANCE (% OF GDP) -6.2% -3.5% -3.9%
    EXPORTS       103,805      111,498      116,778 4.7%
    IMPORTS       121,898      122,381      129,708 6.0%
  A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCES, US$M       (46,246)       (39,022)       (39,561) 1.4%
     % OF GDP -11.46% -8.93% -9.05%
TRADE IN GOODS, BALANCE (US$M)       (54,515)       (49,959)       (49,990) 0.1%
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) -18.72% -16.05% -15.11%
     EXPORTS         42,659        41,206        42,375 2.8%
     IMPORTS         97,174        91,165        92,365 1.3%
TRADE IN SERVICES, BALANCE (US$M)           8,269        10,937        10,429 -4.6%
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) 2.05% 2.50% 2.39%
     EXPORTS         28,749        34,835        37,426 7.4%
     IMPORTS         20,480        23,898        26,997 13.0%
   B. INCOME BALANCE
TOTAL INCOME         25,997        25,558        26,631 4.2%
PRIMARY INCOME, BALANCE (US$M)           3,660          2,835          3,402 20.0%
PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 0.84% 0.65% 0.78%
    RECEIPTS           9,454        11,945        12,913 8.1%
    PAYMENTS           5,794          9,110          9,511 4.4%
SECONDARY INCOME BALANCE (US$M)         22,336        22,723        23,229 2.2%
SECONDARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 5.11% 5.20% 5.32%
    RECEIPTS         22,942        23,512        24,064 2.3%
    PAYMENTS              606             789             835 5.8%
II. CAPITAL ACCOUNT & OTHERS (NET FLOWS)          19,865         16,002         12,929 -19.2%
Source: Bangko Sentral ng Pilipinas

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -