25.1 C
Manila
Lunes, Enero 13, 2025

Gaano kalalim ang OCEAN?

- Advertisement -
- Advertisement -

O, Uncle, nakabalik na pala kayo. Kamusta bakasyon n’yo?

Salamat sa Diyos, Juan, at nakauwi naman kami ng safe and sound. Maganda yung pinuntahan namin.

Oo nga, maganda nga daw sa Samal, Davao. Ang linaw ng beach dun at kalmado ang tubig sa panahong ito.

Nag-island hopping nga kami at sa kalawakan ng karagatan, bumalik sa aking isipan ang natutunan ko dati tungkol sa relasyon ng personalidad at pag-uugali ng tao sa pagkakaroon ng positibong financial future.

Ano yun, Uncle? Parang ocean-deep naman yata ang napagnilayan n’yo dun. Akala ko ba fun, fun lang inatupag n’yo dun?


Oo naman, Juan. Sobrang saya nga. Pero alam mo ba na ang tawag sa lima o Big Five personality types na may impluwensya at epekto sa pagiging financially stable at secure, kung di man ang pagiging mayaman , ay OCEAN?

OCEAN? Talaga naman si Uncle, malikhain talaga.

Ang Big Five o OCEAN personality types ay hango sa isang pananaliksik  na sinimulan noong 1958 nina Ernest Tupes at Raymond Christal, mga Texan research psychologists,  at pinalawig ni J. M. Digman at Lewis Goldberg nuong 1990s. Hindi ito masyadong naging sikat kumpara sa iba pang personality frameworks pero maganda syang gamitin sa financial planning.

Ang Big Five o OCEAN ay:

- Advertisement -

O- penness. Ang mga taong mas open sa mga bagong kaalaman, karanasan, imahinasyon, creativity, emosyon, curiosity o pang-unawa sa mga trends, oportunidad o innovation, ay mas makakatulong sa pag-angat ng financial literacy. Sila ay kadalasa’y praktikal, mahilig sa data at impormasyon, at malawak ang isip sa mga posibilidad o puedeng gawin at mangyari.

C-onscientiousness. Ang mga taong conscientious ay may disiplina sa sarili, focused, may dereksyon at mahalaga sa kanila ang pagplaplano. Kaya pag mataas ang  conscientiousness, mas klaro silang magdesisyon at sila ay trustworthy at reliable.

E-xtraversion. Ang mga taong extrovert ay kumukuha ng energy sa pakikisalamuha sa kapwa, pagso-socialize, pagne-network, pagsasalita, o sa pagiging action-oriented. Kabaligtaran naman ang mga introverts na hindi mahilig sa socialization, mas gustong nagsasarili, tahimik at low-key.

A-greeableness. Ang mga taong agreeable ay kind, considerate, mapagkakatiwalaan at  inuuna ang interes ng nakakarami kesa sa sarili. Mas optimistic din sila at mas nakaka-cope sila sa stress. Maganda ang mga relasyon nila sa tao.

N-euroticism. Ang mga taong neurotic ay madalas na negatibo ang emosyon. Mas madali silang magalit, mataas ang anxiety at depression. Marami silang karanasan na mga mabigat at masakit na mga pangyayari sa buhay kaya mas may tendency sila na maging emotionally unstable.

Puede ba talagang ma-predict ng isang personalidad ng tao ang kanyang financial future?

- Advertisement -

Ayon sa isang pag-aaral, ang limang kategorya ng mga personalidad ng tao ay may matibay na korelasyon sa mga uri ng financial outcomes tulad ng financial literacy o ang pagkakaroon ng kaalaman o ideya tungkol sa pananalapi o pinansyal na aspeto ng pamumuhay, financial risk tolerance o ang kapasidad na mag-invest sa mga bagay na may mataas na risk o peligro na puwede kang matalo kesa manalo tulad ng stocks, income at net worth o ang total value ng yaman ng isang tao.

Halimbawa, napag-alaman ng study na ito na kapag ang tao’y extrovert, mas malakas ang loob nila sa financial risk-taking kesa sa mga taong mataas ang conscientiousness na mas may kakayahan na maging financially literate at pagandahin ang income at net worth.

Sa ibang banda, ang mga taong neurotic ay negatibo ang korelasyon sa financial literacy, income at net worth. Ibig sabihin, ang potensyal na sila’y magkaroon ng mataas na income at net worth ay mababa.

Kung tayo nga ay self-aware kung anong klaseng personalidad meron tayo, mas maaayos natin kung paano natin napapagaan ang mga challenges na tatahakin natin sa ating financial journey. Ika nga, puede tayong matuto at mag-adjust kung nais talaga nating magkaroon ng maayos na kinabukasan.

Totoo din na maraming iba pang factors ang may epekto sa financial outcomes na gusto natin sa ating buhay. Pero nagsisimula talaga sa ating mga sarili kung paano natin bibigyang halaga ang mga values, tulad ng pag-iipon, pagba-budget at pag-iinvest, na magdadala sa atin sa mga financial goals na minimithi natin.

Ikaw, Juan? Anong klaseng OCEAN ka?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -