26.8 C
Manila
Huwebes, Enero 9, 2025

Sec Pangandaman, sinabing halos ₱800 B mga programa at proyekto sa 2025 GAA, mangangailangan ng SARO bago mailabas ang pondo

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG tugon sa mga usapin tungkol sa mga Congress Introduced Changes and Adjustments sa 2025 General Appropriations Act (GAA), binigyang-diin ni Budget Secretary Mina Pangandaman ang madalas na hindi napapansing detalye sa National Budget ngayong taon, na Seksyon 6 ng Veto Message na inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“Hindi po ‘to [Section 6] present sa mga nakaraang Veto Message ng ating Presidente. Meaning nung nakaraang taon po, lahat po ng pagbabago sa budget, nire-release namin ‘yan as is unless may Conditional Provision. Nung nakaraang taon po, first day palang ng taon, 90 percent ng budget nailabas na po namin ‘yan. May SARO (Special Allotment Release Order) na ‘yan at naibigay na namin ang corresponding cash requirement for the first quarter,” paliwanag ni Secretary Mina.
“But for the 2025 budget, because of Section 6, ‘yung ‘Increases in Appropriations and New Budgetary Items,’ ito po ay worth P783 billion na Projects, Activities, and Programs (PAPs) na naka-withhold kumbaga,” dagdag pa niya.
Lahat ng congressional insertions sa 2025 GAA ay mangangailangan ng Special Allotment Release Order (SARO) bago mailabas ang pondo. Layunin nitong magsilbing karagdagang proteksyon upang maiwasan ang maling paggamit ng budget, na tumitiyak na ang mga dagdag o bagong items na ipinasok ng Kongreso ay naaayon sa cash programming ng gobyerno, sumusunod sa maingat na fiscal management, may pag-apruba ng Pangulo, at umaayon sa rules and guidelines ng budget.
Dagdag pa rito, kakailanganin ng DBM na magsumite ang mga ahensya ng updated performance targets upang maipakita ang mga pagbabagong ito.
Sa ₱783 bilyon na halaga ng PAPs, ₱26 bilyon ang direktang na-veto ng Pangulo, na nagresulta sa net amount na ₱757 bilyon para sa pagpapalabas ng SARO.
Ang ₱757 bilyong budget adjustments ay kailangang dumaan sa proseso na tinatawag na Fisaro (For Issuance of SARO). Ilalabas lamang ang SARO kapag natugunan na ng mga ahensya ang mga kinakailangang requirements at makatanggap ng pag-apruba mula sa Executive Secretary at Office of the President.
Tinitiyak ng hakbang na ito na ang paggastos ng gobyerno ay nananatiling naaayon sa mga prayoridad at fiscal goals nito.
Binigyang-diin ni Secretary Mina na ang prosesong ito ay sumusuporta sa transparency, fiscal discipline, at epektibong paggamit ng pondo ng bayan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -