29.5 C
Manila
Miyerkules, Enero 8, 2025

PBBM: 220 Filipinos na-pardon sa UAE

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY 220 Pilipino ang pinatawad ng Kanyang Kataas-taasang Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates (UAE) sa pagdiriwang ng bansa ng ika-53 Pambansang Araw nito, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes, Enero 6, 2025.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr habang nagbibigay ng video message. Larawan mula sa Presidential Communications Office

“Mga minamahal kong kababayan, ikinagagalak kong ipabatid na sa okasyon ng ika-53 National Day ng United Arab Emirates, 220 Pilipino ang pinagkalooban ng pardon ni Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.

“Ang desisyong ito, na karagdagan sa 143 Pilipino na nabigyan ng pardon noong Eid al-Adha, ay patunay ng matibay ang ugnayan ng ating mga bansa,” dagdag ng Pangulo.

“We extend, of course, our heartfelt gratitude to His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan and Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, whom I also had the honor to meet, for this very compassionate gesture.

“Patuloy na pinoproseso ang mga dokumento ng ating mga kababayan para sa kanilang agarang pagbabalik. Sa kanilang pag-uwi, nawa’y maging ligtas ang kanilang paglalakbay pauwi sa kanilang mahal na lupang tinubuan.”


Nagkaroon si Pangulong Marcos ng isang araw na pagbisia sa UAE noong Nobyembre  at nakakula ng ilang bilateral agreements na tinawag niyang “short but highly productive.”

Ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at  UAE ay nagsimula noong Agosto 19, 1974. Halaw mula sa ulat ng Presidential News Desk

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -