25.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 8, 2025

Sumali sa Tulâ Táyo 2025 

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Tulâ Táyo ay isang onlayn na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulâ na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Para sa 2025, bukás ang timpalak sa mga dalít, diyóna, at tanagà na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa tungkol sa “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” at/o tema ng Buwan ng Panitikan 2025.

𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐮𝐧𝐭ú𝐧𝐢𝐧:

  1. Ipapaskil/ilalagay ang mga tulâ—𝐃𝐈𝐘Ó𝐍𝐀, 𝐃𝐀𝐋Í𝐓, 𝐎 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐆À—sa google form link na nakapaskil sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulâ. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:

𝟐𝟎 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨–𝟑𝟏 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐃𝐚𝐥í𝐭

𝟑 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨–𝟏𝟒 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐃𝐢𝐲ó𝐧𝐚

𝟏𝟕 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨–𝟐𝟖 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐠à

  1. Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinasok sa google form link na matatagpuan sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nása ibaba ang mga link:

Dalít: https://forms.gle/LqxRhLyG2JaAhXNC6

Diyóna: https://forms.gle/raGYeGXp68qSqr8K9

Tanagà: https://forms.gle/1uBLR7vsAssg88tEA

  1. Tatanggap ng mga orihinal na tulâ na nakasulat sa wikang Filipino at nása antas tudlikan. Maaaring paksain ng mga tula ang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” at/o ang tema ng Buwan ng Panitikan ng Pilipinas 2025.
  2. Tatanggap ng isang libong piso (PHP1,000.00) ang unang sampung magwawagi sa bawat anyo at sertipiko. Ipapaskil sa KWF Facebook page at website ang mga magwawagi sa bawat anyo ng tula.
  3. Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado ng timpalak.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -