25.8 C
Manila
Biyernes, Marso 14, 2025

Gawing inspirasyon ang buhay at kabayanihan ni Rizal – PMA Supt

- Advertisement -
- Advertisement -

“Sa ating ipinagdiriwang na ika-128 ng pagkabayani ni Rizal nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanyang buhay at sakripisyo. Ang pagmamahal ni Rizal sa bayan ay paalala sa bawat isa sa atin ay may kakayahang bayani sa ating mga sariling paraan.”

Ito ang mensahe ni Philippine Military Academy Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard Valencia na siyang panauhing pandangal ng City Government of Baguio sa kanilang paggunita sa Rizal Day nitong Lunes (Dec. 30).

Binigyan diin ni Valencia na sa kabila ng kadakilaan ang ating Pambansa Bayani, si Dr. Jose Rizal,  ay isang ordinaryong tao tulad natin na nagtatagumpay sa kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng tiyaga, malasakit at sakripisyo.

“Minsan iniiisip natin ang pagiging bayani ay para lang sa mga taong may natatanging katangian o sikat na pangalan ngunit ipinakita ni Rizal na ang pagiging bayani ay para sa ating lahat. Sa simpleng mga hakbang na ginawa natin araw-araw sa pagtulong sa kapwa, sa pagiging tapat sa ating trabaho at sa pagpapakita ng malasakit sa ating Komyunidad, maaari nating mataglay ang diwa ni Rizal.”, paliwanag ni Valencia.

Para sa mga kabataan naman, hinikayat sila ni Valencia na tularan si Rizal sa pagpapahalaga sa edukasyon at kaalaman para kabutihan ng bansa at mga kawa Pilipino.

“Sa pamamagitan ng edukasyon mai-a-angat natin ang ating bansa at maipapasa ang pagmamahal sa bayan sa mga susunod na henerasyon. Tulad ng kanyang sinabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya’t sa mga kabataang narito ngayon hinihikayat ko kayo na pahalagahan ang inyong pag-aaral at maging mga tagapagtanggol ng kaalaman at katotohanan,” aniya.

Sa paggunita ng ika – 128 taon ng kabayanihan ni Rizal, pinangunahan nila Mayor Benjamin Magalong, Vice Mayor Faustino Olowan at Congressman Marquez Go na kinatawan ng kanyang maybahay  na si Soledad Go ang pag -aalay ng bulaklak at simplemng programa sa Bantayog ni Jose Rizal sa may Burnham Park.

Samantala,  sa kanilang mga mensahe, binigyan diin din Magalong at Go ang kahalagahan na gunitain at magsilbing inspirasyon ang buhay at kadakilaan ni Rizal, sa pagsusulong ng maunlad at bagong Pilipinas.

“Sa araw – araw ng ating pamumuhay at sa ating bawat pagkilos nawa’y laging manaig ang malasakit sa kapwa, ang pagpupursige par sa kabutihan, katarungan at katotohanan. Huwag nating sayangin ang sakripisyon iniukit ni Rizal sa kasaysayan, bagkus gawin natin siyang huwaran at gabay tungo sa Bagong Pilipinas na inaasam natin para sa ating mga anak, para sa ating mga susunod pang mga henerasyon,” sabi ni Magalong.

“Habang ginugunita natin si Rizal ngayon, huwag nating kalimutan ang kanyang mga sakripisyo at hangarin para sa bayan. Sa halip, ito dapat ang ating dahilan upang mas lumagablab ang ating pagiging makabayan. Yakapin natin ang kanyang hamon na hindi lamang mahalin anf Pilipinas kundi paglingkuran ito nang may malinaw na bisyon at determinasyon,” ayon kay Go. (CCD/PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -