26.4 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Mga dahilan ng bahagyang pag-akyat ng antas ng inflation

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS makamit ang pinakamababang antas ng YOY (year-on-year) CPI (consumer price index) inflation  mula noong Disyembre 2019, lumukso nang bahagya ang antas nito sa 2.3% noong Oktubre at tumuloy sa pag-akyat sa 2.5% noong Nobyembre. Ano-ano ang mga dahilan ng pag-akyat na ito?

Limang malalakas na bagyo ang sunud-sunod na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon noong unang dalawang linggo ng Nobyembre at nanira ng P1.349 bilyon na ani ng mga magsasaka. Dalawa sa mga bagyo ay naging supertyphoon — mas  malakas kaysa 200 kph ang maximum sustained winds, nagdulot ng pagbaha sa mga kabukiran, at nagpatigil sa pangingisda. Dahil ditoý umakyat ang year-on-year (YOY) inflation ng pagkain sa 3.5% noong Nobyembre at itinulak paakyat ang overall inflation sa 2.5%.

Ang pinakamalaking dagdag sa inflation ay  dulot ng pagkasira ng mga gulayan dahilan sa baha. Hindi na nakapagtanim ang maraming magsasaka ng gulay na dati nilang ginagawa pagkatapos mag-ani ng palay.  Umakyat ang inflation ng gulay ng 5.9% mula sa pagbaba nito na -9.2% noong Oktubre.  Kasama nitong umakyat ang inflation ng karne na tumaas ng 2.9%.

Mabuti na lang at bumagsak ang YOY inflation ng bigas sa 5.6% mula sa 9.6% noong Oktubre, at gatas sa 2.9% mula sa 3.6%. Nahilang pababa ang presyo ng bigas ng pagbaba ng tariff rate sa 15% at pagdoble ng volume ng rice imports pagkapirma ng EO62, at ang pagdausdos ng presyo ng bigas sa pandaigdig na merkado pagkatanggal ng export ban ng India. Ang gatas naman ay imported na produkto at dahil sa pagbaba ng demand sa mga malalaking bansa, bumagsak ang presyo nito kahit na tumaas ang gastos sa produksyon.

Halos hindi gumalaw ang non-food inflation sa 1.9% mula sa 1.8% noong Oktubre. Pababa ang presyo ng langis sa US$72.92 kada bariles noong Nobyembre mula sa US$76.07 kada bariles noong Oktubre at US$83.45 noong Nobyembre ng nakaraang taon dahil sa mahinang demand ng China at paglakas ng US dollar na kung saan naka-quote ang presyo ng langis.


Halos lahat ng kategorya ng non-food ay di  gumalaw sa antas nila noong Oktubre gaya ng clothing at footwear; household furnishings; health, at information and communication. Bumagsak ang antas ng housing, water, electricity and other fuels sa 1.9% mula 2.4%; at umakyat ang pagbagsak ng transport sa -1.2% mula sa mas malalim na negatibong -2.1% noong Oktubre.

Sinabayan ng month-on-month (MOM)  inflation ang galaw ng YOY inflation.  Mula sa 0.2% noong Oktubre, dumoble ito sa 0.4% noong Nobyembre.  Dumoble ang inflation ng food sa 1.0% mula sa 0.5% noong Oktubre. Pinakamalaking akyat sa inflation ang naitala sa gulay (12.0%), at isda (1.1%).  Bumawi  nang kaunti dahil sa  pagbagsak  ng presyo ng bigas (-1.5%) at karne (-0.2%), di paggalaw ng asukal (0.0%) at paghina ng gatas (0.3%).

Sa non-food category naman,  umakyat ang MOM inflation sa 0.2% mula sa -0.1% noong Oktubre.  Di gumalaw ang MOM inflation ng clothing and footwear (0.1%); housing, water, electricity, gas and other fuels (-0.2%); health (0.2%); at information and communication (0.0%).   Umakyat ang furnishings, household equipment, and routine maintenance sa 0.5% at transport sa 0.4%.

Dahil ang naitalang inflation ay sakop sa katanggap-tanggap na inflation range na 2-4%, inaasahang itutuloy ng Bangko Sentral ang pagtapyas  sa interest rates. Dahilan nito ay inaasahan ding mag-normalisa ang pagpasok ng investment  at paglikha ng bagong trabaho. Ngunit nagbabadya ng masamang panginorin  ang pagpasok ng bagong administrasyon sa US sa susunod na taon na maaaring sasalubong sa pagtaas ng taripa sa maraming produkto sa lahat ng bansa. Ang ibig sabihin nitoý ay panibagong pagtaas ng inflation sa lahat ng mga produktong pumapasok sa international trade.

- Advertisement -
Table 1. THE PHILIPPINES’ TYPHOONS IN NOVEMBER 2024
Maximum Agriculture Primary
Sustained Damage Areas Affected
Typhoon Winds kph Php Million
Leon 130 855.2 Northern Luzon
Marce 140 16.2 Northern Luzon
Nika 130 163.1 Northern Luzon
Ofel 220 302 Northern Luzon
Pepito 260 12.9 Bicol/Northern Luzon
TOTAL 1,349.4
Source: National Disaster Risk Reduction and Management Council

 

Table 2. CONSUMER PRICES
    In Percent       Year-on-year (YOY) Month-on-month (MOM)
 
  Sep Oct Nov Sep Oct Nov
ALL ITEMS 1.9 2.3 2.5 -0.2 0.2 0.4
             
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 0.0 2.9 3.4 -0.5 0.5 1.0
    Food 2.9 3.0 3.5 -0.5 0.5 1.0
       Rice 9.6 9.6 5.1 0.1 -0.5 -1.5
       Meat 2.2 3.6 3.9 -0.7 -0.5 -0.2
      Fish 3.6 -0.4 0.4 2.0 0.7 1.1
      Milk -0.4 3.6 2.9 1.2 0.8 0.3
     Vegetables 11.2 -9.2 5.9 -9.7 4.5 12.0
     Sugar -9.2 -3.3 -2.9 -0.2 0.1 0.0
             
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO     3.1     3.0     3.1 0.2 0.2 0.5
             
NON-FOOD 2.3 1.8 1.9 -0.1 -0.1 0.2
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 2.9 2.7 2.7 0.1 0.1 0.1
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 3.2 2.4 1.9 0.2 -0.2 -0.2
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 2.6 2.4 2.7 0.2 0.1 0.5
VI. HEALTH 2.6 2.6 2.6 0.2 0.2 0.2
VII. TRANSPORT -2.4 -2.1 -1.2 -1.3 0.1 0.4
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.0 0.2 0.2 0.0 0.0 0.0
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -