27.2 C
Manila
Linggo, Marso 16, 2025

BFP sa publiko: Panatilihing masaya at ligtas ang Kapaskuhan

- Advertisement -
- Advertisement -

NGAYONG panahon ng Pasko, bukod sa mga kasiyahan ay mahalaga ang ligtas na pagdiriwang natin ngayong panahon.

Kaya naman ilan sa mga payo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko ay siguruhing may ICC seal at PS mark ang mga pailaw upang makaiwas sa sunog.

Suriinn ang mga Christmas lights o anumang pailaw bago gamitin. Inspeksyunin ang mga sirang kable, frayed cords, o basag na bumbilya.

Mahalaga ring tandaan na palaging patayin ang mga pailaw kung aalis ng bahay o matutulog upang makaiwas sa mapanganib na sunog.

Sa mga abala naman sa pagluluto, iwasang iwanan ang niluluto lalo na kapag gumagamit ng mainit na mantika o malakas na apoy.

Panatilihin ding malinis ang kusina at siguruhing walang nakakalat na anumang bagay na maaaring pagmulan ng apoy.

Tiyakin din na nasa maayos ang mga electrical appliances tulad ng oven, rice cooker, at microwave. Mahalagang masiguro na walang damage ang LPG tank at hose nito.

Gayundin, paalala ng BFP na maging mapagmasid sa paligid para sa posibleng sanhi ng sunog tulad ng faulty electrical wiring, sobrang init na appliances, o naiwang kandila.

Iwasan ang octopus wiring. Huwag i-overload ang mga saksakan na maaaring magdulot ng short circuit at sunog.

Ang buong puwersa ng BFP ay naka full alert status (Code Red) bilang bahagi ng ‘Oplan Paalala: Iwas-Paputok’ hanggang sa Enero 2, 2025 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Kapaskuhan.

Tandaan para sa emergency, tumawag sa BFP NCR sa hotline 0917-154-9156 o sa National Headquarters Hotlines: (02) 8426-0231 o 8426-0195. Maaari ring tumawag sa 24/7 Nationwide Emergency Hotline 911. (JEG/PIA-NCR)

Mga Larawan mula sa BFP 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -